1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Kailan nagiging kalat ang kalat?

Discussion in 'General Chat' started by aregee, Mar 21, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang lumang tires ay pwedeng i-recycle tulad ng nasa larawan para maging new look ang isang part ng bahay. (fashioninnstyle.com)


    Marami sa atin ang hirap na hirap magtapon ng mga bagay – bagay na pwedeng kalat na pero may sentimental value sa atin. Tuloy, sa kaka-treasure natin mistulang national treasure na ang lahat ng ito.

    Kailan ba dapat itapon ang mga lumang gamit? Ito ang ilang tips:

    - kung may iba ka pang uri nito sa bahay o extra. Iwan mo nalang ang pinakamatino para sa iyo.

    - kung wala nang pakinabang ito (kahit buo pa) na halos hindi na maidispley.

    - kung matino, maganda pero hindi mo naman maingatan o malinisan man lang.

    - kung sira-sira na ito, may mabahong amoy, kinapitan na ng dumi o worse eh germs. Germs, dapat bang itago?

    - kung mas matimbang sa iyo na ibenta na lang ang mga gamit ay gawin na para may pera ka pa. Pero mas matimbang kung gagawin ito for a cause – charity o kaya i-donate na lang.

    At para hindi ninyo ma-miss ang mga gamit na ito kunan ng larawan at i-post nalang sa Facebook.
     
  2. kinglua

    kinglua Enthusiast Established

    Reuse recyclable reduce... XD
     
Tags / Keywords:

Share This Page

Loading...