What's new

Closed Inspeksyon

Status
Not open for further replies.

Keala Kazumori-Sakamoto

PHC - Dyosa ®
Joined
Dec 6, 2012
Posts
2,021
Solutions
9
Reaction
4,246
Points
958
Age
28
"You're fired!" bulyaw ni Dr. Oliveros, ang President ng Unibersidad.

"Pero, Sir, binantayan ko naman po ng maayos 'yung mga estudyanteng pumapasok. sadyang may nakapuslit lang po mula sa kabilang daan" paliwanag ni Mang Roger, security guard sa aming unibersidad.

"kitang-kita sa CCTV kaya wala ka dapat ipaliwanag. umalis ka na at marami namang ibang guard dito na mas responsable't kayang gumampam ng gawain!" walang awat na panenermon nito.

Bakas sa mukha ni Mang Roger ang labis na hinanakit. Mabigat man sa loob ay umalis ito, bitbit ang flashlight na halos nagsisilbi niyang kaibigan sa kanya tuwing oras ng kanyang duty.

Agad akong nagtago nang makitang papalabas siya ng opisina, nagkukunwaring walang nasaksihan habang kanina pa'ng nag-uusisa sa bintana.

'Di mabura sa isip ko kung gaano kasikap ang gaya niya, na sa kasamaang palad siya namang walang seguridad kung hanggang kailan sa trabaho.

Sana pala, sumunod na lang ako sa dress code at ,'di nagpakulay ng buhok.
 
crazy-monkey-emoticon-165.gif
baka may makarelate.
 
Yung sinisisi pa yung guard kase mahigpit daw. Ok lang po yan,lahat naman tayo nagkakamali. Sa huli nga lang natin narerealize kung ano nagawa natin :)
Bago isipin ang gusto mo, minsan dapat din natin isipin ang kapakanan ng iba lalo na kapag ginagawa lang nila ang trabaho nila.

ikaw pala may kasalanan ts eh :)

Kaloka ka, mas gusto ko ng may violation ako kaysa mawalan ng work si manong guard :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top