What's new

Closed Hiling

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,867
Reaction
1,426
Points
929
Hiling

Kung ulap ba ay hahawiin...
ikaw ba'y masusulyapan?
makausap ka sana'y palarin...
para masabi lahat ng saloobin.

Kay raming katanungan
namumutawi sa isipan
siguro naman ako'y may karapatan,
malaman kung ano ang dahilan.

Bakit po ba kailangang mahirapan?
Bakit po kailangang masaktan?
bakit po tayo nabibigo?
Bakit tayo sumusuko?

Bakit nawawalan ng pag-asa,
Kahit alam naming nandyan ka?
bakit patuloy parin ang pagdurusa,
Sa kabila ng lahat ng sakripisyong ginawa.

Hindi ako nanunumbat, hindi nagagalit
nagtatanong lang, o bakit kay lupit,
Hindi pinagpala, napagkakaitan
bakit bakit? Lahat naman kami'y makasalanan.

Hindi naman po siguro masama kung ngayon ay hihiling,
Maaari po bang maramdaman ko na kayo ay kapiling?
kahit sa panaginip ako ay dalawin.
Maiparamdam na ako'y mahal mo rin.​
 
Last edited:
Yung totoo? Para kay God talaga yan e, nagawa ko yan nung blue na blue ako :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top