What's new

Help about facial wash cleanser toner exfoliator and moisturizer?

Status
Not open for further replies.
Joined
May 5, 2014
Posts
59
Reaction
7
Points
97
Hi po sa lahat pa help naman po about sa tamang Skin Care Routine
ano po ba ang dapat na una kung ilagay at paano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito
Facial Wash, Facial Cleanser, Facial Moisturizer, Facial Serum, Facial Exfoliator and Facial Toner?

paki sagot na lang po ng ganito para mas madali kung maintindihan
kung ano ang tamang pagkakasunod-sunod nila.

Example:

1. Facial Wash
2. Cleanser
3. Moisturizer
4. Serum
5. Exfoliator
6. Toner

ano po ba ang dapat na una kung ilagay at paano ang tamang pagkakasunod sunod nila?
 
:eek: hindi ba delikado yan?...ang dami na chemical na nilalagay mo sa mukha mo...ok na siguro kahit facial wash lang at exfoliator 2-3 times a week...advice ko inom ka lang maraming tubig para ma ok ang balat mo...(y)
 
wala kasi talaga ako alam sa mga ganyan basta ang ginagawa ko lang dati
naliligo lang ako araw araw at wala na ako ibang nilalagay pa sa mukha at katawan ko.

hanggang sa naisipan kung alagaan ang sarili ko kaya bumili ako ng mga
skincare products kaso ang nakalagay lang na procedure dun sa product
step 1 facial wash step 2 cleanser step 3 moisturizer
i mean walang nakalagay na toner Exfoliator and serum
then yun nagresearch naman ako sa internet ang tamang skincare routine daw
cleanser toner exfoliator serum and moisturizer walang kasama na facial wash.

kaya medyo nalilito ako ngayon kung ano ba ang tamang skincare routine ang dapat kung gawin
kaya hihingi na lang po muna ako ng advice sa inyo kung ano ba ang tamang skincare routine
at paano ang tamang paglagay or pagkakasunod-sunod ng mga ito.

syaka dun po pala sa mga may alam about skincare or baka meron dermatologist dito
pwede po ba malaman kung para saan ba ang mga ito
"Facial Wash Cleanser Toner Exfoliator Serum and Moisturizer"
i mean bakit kailangan natin gumamit at maglagay ng mga yan sa mukha at katawan?

last question ok lang po ba talaga na ilagay lahat yan sa skin natin
for example paano magiging effective yun cleanser na nilagay mo sa face mo
kung pag tapos mo maglagay ng cleanser maglalagay ka naman ng toner
at paano naman tatalab yun toner kung pagtapos mo mag apply ng toner
magpapahid ka naman ng moisturizer?

i mean sa sobrang dami ng kailangan mo ilagay tatalab pa kaya lahat yan?
 
Last edited:
yun nagresearch kasi ako sa internet ng skincare routine
kahit ako nagulat kasi ayun nga parang ang dami nga nila nilalagay sa mukha nila
meron pa nga BB cream ba yun pero yun iba hindi ko na sinama jan kasi lalake naman ako
kaya hindi ako nag lalagay ng make up sa mukha kaya hindi ko na need gumamit
ng mga pangtanggal ng make up.

pero if reresearch nyo din kasi sa YøùTùbé at google yun skincare routine
ang laging lumalabas na kasama sa regimen nila cleanser toner exfoliator and moisturizer
wala kasi ako masyado alam sa mga ganyan kaya hindi ko alam kung ano ba ang pinagkaiba ng cleanser sa facial wash
yun product kasi na nabili ko 3 step lang facial wash cleanser moisturizer walang kasamang toner.
pero sa internet naman 4 or 5 step cleanser toner exfoliator moisturizer pag may kasamang facial serum 5 step.

kaya kahit ako nagtataka bakit parang ang dami naman nila nilalagay sa mukha nila
i mean ganun ba talaga yun tamang skin care routine
at hindi lang ba talaga ako maalaga sa katawan ko dahil dati hindi talaga ako
gumagamit or naglalagay ng mga ganyan kaya wala nga ako alam sa mga ganyan
basta ang ginagawa ko lang dati maligo pag tapos ko maligo wala na ako nilalagay or pinapahid
pa sa face ko ngayon ko nga lang narinig yan mga toner exfoliator cleanser facial serum
kaso yun mga napapanood ko kasi sa YøùTùbé na skincare routine parang ang ganda ng kutis nila
baby face ang kinis ng balat ang puti kaya hindi ko tuloy maiwasan gayahin sila at gumawa ng sarili kung skincare routine
para maaalagan yun katawan ko napabayaan ko na kasi yun mukha at katawan ko dahil sa trabaho.

pero kung ganyan naman talaga ang tamang skincare routine procedure hindi na din siguro masama na gumastos para sa sarili mo
 
Tamang alagaan ang sarili, tama lang din mag paganda at magpa gwapo..
pero madam..kung baga sa love..too much love will kill you.. ang dami mong nilalagay sa mukha..ang daming chemicals. malalaman mo nalang mga dead cells/skin na yan. ingat din po pag may time
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top