What's new

Closed Guys basahin nyo ito about the first president of the philippines

Status
Not open for further replies.

ImAnonymous

Forum Veteran
Elite
Joined
Jan 2, 2017
Posts
1,877
Reaction
1,078
Points
565
Credits to the author
"Ang Sikreto ni Pangulong Emilio"
Si Emilio Aguinaldo ay kilala bilang kauna-unahang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Bilang isang heneral, maraming napanalunang laban si Emilio laban sa mga kastila. Ano nga ba ang sikreto niya?
Gusto ko lang po i-share ang kakaibang storya ng kababalaghan na bumabalot sa buhay niya.
Okay, e'to na.
Sinasabing si Emilio ay may kaibigang Kapre na siyang nagbibigay lakas at proteksyon sa kaniya. Ang kapreng ito ay naninirahan raw di-umano sa ilalim ng tulay malapit sa mansiyon nilang bahay sa Kawit, Cavite.
Sinasabing si Emilio ay palaging pinapayuhan ng kaibigan niyang kapre sa bawat gagawin niyang plano sa laban.
Ang mas nakakabilib pa, ay binigyan raw ng kapre si Emilio ng isang puting bato para magsilbing lakas niya. Ang puting bato na ito ay sinasabi ng iba na anting-anting at ito raw ang nagbibigay sa kaniya ng proteksyon kung kaya't hindi siya namamatay sa bawat laban niya.
May mga sundalo ring nakakita sa kaniya na sumasakay sa isang puting kabayo habang tumatakas sa isang bakbakan na kung saan sinugod ng mga kastila ang bahay niya at pinaputukan ito mula sa kabilang dulo ng tulay. Ngunit dahil sa kaibigan niyang kapre ay pinabalik nito ang lahat ng bala ng mga kastila kaya laking pagtataka ng mga espanyol noon kung paano yun nangyari.
Masaya sigurong may kaibigan na kapre nu?? hahaha
Para sa iyo? Totoo ba ito?
Ano-ano pa ang mga kababalaghang alam niyo na minsang bumalot sa mga buhay ng mga iba't-ibang personalidad sa Pilipinas.
-DarkMagician

Please like naman.
At comment din kayo if you want more :):)
 
Last edited by a moderator:
Ahahaha..pero para sa akin hindi si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo base lang din dun sa nabasa ko...hehehe
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top