What's new

Closed Ganito maghatid ng masamang balita.

Status
Not open for further replies.

sparta_01

Honorary Poster
Joined
Nov 26, 2016
Posts
404
Reaction
48
Points
151
kumiriring telepono ng madaling araw,

"Hello Master Carlos, si Arnaldo po ito yung katiwala nyo sa bahay bakasyunan nyo".

"O Mr.Arnaldo ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?

"Ummm, napatawag ako para abisuhan kayo na namatay ang alaaga nyong parrot".

"Yung parrot kong si Pikoy, patay? Yung nanalo sa bird show?"

"Opo Master Carlos, yun nga po"

"Putres, sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong yun. Hay buhay. Teka anu ba ang ikinamatay nya?"

"Eh kumain po kasi ng bulok na karne."

"Bulok na karne? at sino naman ang salbaheng tao ang nagpakain ng bulok na karne?"

"Wala po, nanginain po siya ng bulok na karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anung patay na kabayo Mr.Arnaldo?"

"Eh, yun pung mga thoroughbred horses nyo, sir namatay po kasi lahat sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anung kariton ng tubbbiiiggggg?"

"Yun pong pinangpatay namin sa sunog."

Dios ko po! Anu nanamang sunog yang sinasabi mo?"

Yun pong halos tumupok sa bahay nyo, tumumba po yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis kumalat ang apoy."

"Anu??...Puttt.... E may kuryente naman dyan sa bahay bakasyunan ah, parasan yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Anu, kaninong burol?"

"Sa nanay nyo po, sir bigla kasi syang dumating dito nung isang gabi, walang kaabiso-biso. Lampas hating gabi na. Akala ko po magnanakaw. Yun binaril ko."
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top