What's new

Closed Dry curly hair paano maiiwasan?

Status
Not open for further replies.

aregee

Honorary Poster
Joined
Jun 29, 2015
Posts
234
Reaction
67
Points
215
curly_hair_600%281%29.jpg


Dry kadalasan ang mga kulot na buhok. Hirap kasi ang natural oil na bumaba hanggang sa dulo.

Para maiwasan ang pagka-dry ng curly hair, sundin ang ilang tips na ito:

- Basain ang buhok gamit ang malamig o maligamgam na tubig. Siguraduhing mababasa rin ang dulo ng buhok.

- Maglagay ng conditioner at unang lagyan ang dulong bahagi ng buhok. Mas maganda kung ang gagamiting hair product ay para sa dry or dry curly hair. Isunod ang anit. Iwasang makuskos ang bandang anit.

- Habang nakababad pa ang conditioner, gumamit ng suklay na may malalaking ngipin at banayad na suklayin ang buhok mula sa dulo nito.

- I-massage ang anit upang maiwasan ang unwanted oil o ang pagbuo ng dandruff na kadalasang sanhi ng dry hair

- Banlawan ang buhok gamit ang malamig na tubig.

- Patuyuin ang buhok gamit ang towel.

- Maglagay ng kauting amount ng serum mula sa dulo pataas. Iwasang malagyan ang anit.

- Hayaang matuyo ang buhok naturally.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top