What's new

Closed Dampa ni lola Iska" (Karma)

Status
Not open for further replies.
J

Jeanh

Guest
Dampa ni lola Iska" (Karma)

Noong si lola ay nasa kalakasan o kabataan pa, mayroon siyang isang anak, si Carlos.
Mula ng mamatay ang kanyang asawa, si lola Iska ka na ang nag-iisang nagpalaki sa kanyang anak na si Carlos, sa pamamagitan ng paglalabandera, at paglalako ng sari-saring mga paninda. Iginapang ang kanyang anak kahit mahirap at madalas magkasakit, hanggang si Carlos ay makatapos ng pag-aaral, at nagkaroon ng matatag na trabaho, at nagka-asawa. Ngunit si lola Iska padin ang nagsilbing katulong, hindi tulad ng isang ina ng magasawa, hanggang sa magkaanak sila ng isang lalaki, at ang nagsilbing yaya ay si lola Iska, at hindi tulad ng isang lola.

Dumaan ang panahon, at iginupo ang katawan ni lola Iska ng sakit sa baga, at katandaan, hanggang sa hindi kayang kumilos pa para sa mga gawaing bahay, at madalas mahapo, at ubo ng ubo, hanggang pandirihan na si lola Iska ng kanyang anak, at manugang, at ibinukod na din ang mga gamit sa pagkain, hanggang ilabas na si lola Iska sa kanilang bahay, at pinatira sa maiit na dampa sa likod bahay na parang alagang hayop na hindi inaasikaso at binibigyan na lang ng pagkain na si lola din ang nagluluto sa kanyang maliit na lutuang kahoy ang gatong.

Lahat ng ginagawa nilang pagtrato sa matanda ay nakikita ng kanilang anak na ngayon ay limang taong gulang na, at minsan tinanong ng bata ang kanyang ama kung bakit pinatira ang kanyang lola sa maliit na dampa sa likod ng bahay, ang sagot ng amang si CArlos: "Dahil ang lola mo ay wala ng silbi at matanda na, at baka pa tayo mahawa sa kanyang sakit anak, kaya huwag na huwag kang pupunta at lalapit sa lola mo ha! Tandaan mo yan!" "Opo papa.

Kaya, kapag naglalaro ang bata sa labas, at napapagawi sa bandang likuran ng bahay nakikita niyang nakatingin ang kanyang mahal na lola sa kanya na nasa dampa, at tinatawag siya nito, ngunit hindi siya lumalapit dahil sa bilin ng kanyang ama, kaya kumakaway na lamang siya sa kanyang lolo Iska, at napapansin niyang umiiyak na lang ang kanyang mahal na lola Iska na nag-aalaga sa kanya noon.

Mahirap para kay lola Iska ang naging kapalaran niya sa kamay ng sarili niyang anak, sa kabila ng pasusumikap, at sakripisyo niyang buhayin ng may pag-iingat at pagmamahal, at magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang mahal na anak, na siyang inaasahan na siyang magmamahal at mag-aalaga sa kanya sa panahon ng kanyang katandaan, kaya madalas si lola Iska na nasa isang sulok ng dampa nakaupo at umiiyak na lamang.

Dahil sa labis na hinanakit, at pagdaramdam, lumubha ang kanyang karamdaman, at isang umaga nakita na lamang na siya ay wala ng buhay, at malamig na bangkay, hindi man lamang nabanaag ang lungkot sa mukha ng kanyang anak na si Carlos, at waring nabunutan ng tinik sa pagkamatay ng kanyang ina nagmahal sa kanya, at nag-aruga.

Lumipas ang mga araw pagkatapos ng mabilisang libing, habang nasa hapag kainan ang mag-asawang Carlos, at ang kanilang anak sa kanilang pananghalian, napag-usapan ng nila na gibain na ang dampa na pinaglagyan nila sa kanilang ina, ngunit narinig ito ng kanilang anak, at ito ay hindi pumayag: "Mama! Papa! Huwag po! Huwag ninyong ipagiba!! Nagulat ang mag-asawa sa pasigaw na pagtutol ng kanilang anak: "Anak! Bakit naman ayaw mong ipagiba ang dampa ng iyong lola Iska?!"

ANAK: "Kasi po mama, papa, kapag pinagiba ninyo ang dampa ni lola, kapag tumanda na kayo, at mga wala na po kayong "silbi," at kayo ay mga nagkasakit na po, doon ko po din kayo papatirahin o ilalagay, katulad ng ginawa po ninyo sa aking mahal na lola Iska!

Sa tinuran ng kanilang anak, nagulat silang mag-asawa, at nagkatinginan, at nakadama sila ng takot sa pagdating ng panahon na hinihintay ng kanilang anak, na sila ay tumanda na at mga wala na ding mga silbi. Halos sisihin nila ang kanilang mga sarili sa naghihintay na masaklap na sasapitin sa hinaharap sa piling ng kanilang mahal na anak...


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Dear @Jeanh,

Since 2 years have passed since the last reply in this thread, I am locking it to prevent necroposting. Feel free to start a new thread or contact any forum staff if you want this to be reopened.

Thread closed.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top