What's new

Closed Creepy nangyari sakin

Status
Not open for further replies.

Pulsefire_Ezreal

Eternal Poster
Joined
Oct 28, 2014
Posts
1,378
Reaction
323
Points
444
Age
34
Guys langya, dito ko na lang ipopost kasi natatawa ako na nagulat, alam niyo ba yung istora na LUCIA JOAQUIN,?,
Alam niyo ba after ko basahin yung story eh may nag friend request sakin na LUCAI JOAQUIN, share ko muna yung story tapos sa baba yung screenshot ko as evidence na may nag friend request talaga sakin, yan po yung story na binasa ko, tapos uulitin ko hindi ako yung ka chat story yan na binasa ko, tapos yung friend request eh sa fb ko na yan, nagkataon lang kaya? Ok share ko na yung story na binasa ko

Dahil, Nakaramdam Ako ng Pagka-ihi. Agad Akong Bumangon, At Nagbanyo sa Pag Akalang Pagkatapos 'kong Umihi, Makakabalik na 'ko sa Pagtulog. Pero, Nagkamali Ako. Dahil, Kahit Ano 'pang Pikit 'ko ng mga Mata ko, Ayaw na 'kong Dapuan ng Antok. Naisip 'ko, Siguro mas Madali akong Aantukin kung Papatayin 'ko Ilaw ng Kwarto 'ko, Pero, Mas Sanay 'kong Natutulog na Bukas ang Ilaw. Kaya Iyon nga ang Ginawa 'ko, Tumayo Ako ng Kama At, Pinatay ang Ilaw ng Kwarto ko. Pagkatapos, Humiga At Pinikit 'ko na mga Mata 'ko. Pero, Bigo pa rin Ako kasi Ayaw na talaga 'kong Dapuan ng Antok. Naisip 'ko na mag Facebook na lang kaya 'ko muna, Baka Sakaling Bumalik ang Antok 'ko. Nakahiga 'kong Inabot ang Isa sa Dalawa 'kong Cellphone na Nakapatong sa Mesitang Katabi ng Kama 'ko, At Nagsimulang mag-Facebook. Nasa Kalagitnaan Ako ng pagbabasa ng mga Posts ng mga Kaibigan 'ko ng Makatanggap Ako ng Isang Message. At ng Tingnan 'ko Pangalan sa Messenger, Napa-Isip Ako kung Kilala ko ba siya? 'Lucia Joaquin', Ang Pangalan niya.
LUCIA JOAQUIN: Hi.
ENZO CRUZ: Hello.
LUCIA JOAQUIN: Kuya, Pwede po 'bang Makipag-usap?
ENZO CRUZ: Ha? Tungkol saan?
LUCIA JOAQUIN: Kahit na Ano po. Wala po kasi 'kong Makausap. Nalulungkot po ako.
ENZO CRUZ: Ganun ba? Bihira lang kasi 'ko Makahanap ng Kausap sa mga Oras na 'to. Karamihan sa mga Friends 'ko, Tulog pa.
LUCIA JOAQUIN: Bakit po kayo, Gising na?
ENZO CRUZ: Actually, Nagising lang ako. Nagpapa Antok lang Ulit Ako, Kaya napa Facebook lang.
LUCIA JOAQUIN: Hindi kaya Kuya kaya ka Nagising dahil may Gumising sa'yo?
ENZO CRUZ: Ha? What do you mean Ate?
LUCIA JOAQUIN: Wala po kuya. Nga pala Kuya ang Pogi mo. 'Nung Nakita nga kita, Nagkagusto Ako agad sa'yo eh.
ENZO CRUZ: Ha? Nakita Saan?
LUCIA JOAQUIN: Dito sa mga Pictures mo.
Tinitingnan ko kaya ngayon. 'Nang Mabasa 'kong Tinitingnan ni Lucia mga Pictures 'ko sa Facebook, Agad naman Akong Pumunta sa Timeline 'ko, Para Alamin kung ano anong mga Pictures mga Tinutukoy niya. Pagkatapos, Pumunta naman Ako sa Profile niya para Tingnan din mga Litrato niya Ngunit ganon na lang Aking Pagtataka sa kanya.
ENZO CRUZ: Bakit Walang Laman ang Timeline mo?
LUCIA JOAQUIN: Kakagawa 'ko lang po kasi ng Facebook 'ko eh.
ENZO CRUZ: Tapos yung Profile pic mo, Ang Dilim ng Picture?
LUCIA JOAQUIN: Madilim po kasi dito sa Kuwarto eh.
ENZO CRUZ: Wala bang Flash ang Camera ng Cellphone mo? LUCIA JOAQUIN: Meron naman po.
ENZO CRUZ: Gamitin mo para Malinaw ang Picture.
LUCIA JOAQUIN: Sige po. Nga pala Kuya Gawin kitang Close Friends Dito sa Facebook 'ha?!
ENZO CRUZ: Sure. Sige.
LUCIA JOAQUIN: At Dahil, Close Friend na kita,Dapat Magkaron Tayo ng Litraro na magkasama tayo.
ENZO CRUZ: O Sige Payag, Kapag Magkita tayo, Pa-Picture tayong Dalawa.
Nasa ganon kaming Pag-Uusap sa Messenger. Ng Biglang Naramdaman 'kong nag-Vibrate ang isa 'ko 'pang Cellphone. Kinuha ko 'to para Tingnan. Ganon na lang ang Gulat 'ko ng mag Flash 'to ng Pagka-Unlock ko. Nakakapagtaka 'rin kung Bakit nag Vibrate Bigla, Wala na'mang nag-Text o Miss Call sa'kin. Muli pa Pinatong 'ko 'to sa Mesita.
LUCIA JOAQUIN: Kuya, Pwede 'bang Malaman kung Ilang taon ka na po?
ENZO CRUZ: Sa Tingin mo? Ilan?
LUCIA JOAQUIN: Siguro mga 18? Haha
ENZO CRUZ: Binobola mo naman Ako eh.
LUCIA JOAQUIN: Hindi kuya yun ang Tingin 'ko sa'yo dito sa Picture mo.
ENZO CRUZ: O sige na nga, Thank you. Pero sa Totoo, 25 na 'ko eh.
LUCIA JOAQUIN: Wow! Mukha ka talagang Bata Kuya.
ENZO CRUZ: Salamat ulit. Eh, Ikaw ba Ilang Taon kana? LUCIA JOAQUIN: Anong Hula mo Kuya?
ENZO CRUZ: Mahirap Hulaan eh. Ang Dilim kasi ng Kuha mo Dito sa Profile Picture mo.
LUCIA JOAQUIN: Gano'n ba. O sige Kuya Sandali At Maglalagay lang Ako ulit ng Bagong Picture.
ENZO CRUZ: Oh, Sige.
LUCIA JOAQUIN: O, Ayan Kuya, Nakalagay na ako ng Bago, Check mo nga.
ENZO CRUZ: Sige Tingnan 'ko sa Account mo. Nang Pumunta Ako sa Timeline ni Lucia ay ganon na lang ang Pag Tindig ng Aking mga Balahibo, Matapos Makita ang Bago niyang Upload na Litrato. Sa Litrato ay Nakahiga siyang Nakangiti sa Tabi 'ko
END

Yan po yung story na binasa ko, ito naman nag friend request sakin sa fb
Screenshot_20170419-122853.png
 

Attachments

Alam ko may nag tritrip lang yan sakin, at di ako naniniwala jan, peru in fairness sa kanya mahusay, nakachamba siya ang pag friend request niya,
 
Alam mo pag katatapos ko rin basahin itong thread mo ay biglang nag iba yung ihip na hangin dito sa kwarto ko at nag friend request din si lucy sa akin.
Posible bang häçker ang nag gawa nitong virus na ito?
 
Alam mo pag katatapos ko rin basahin itong thread mo ay biglang nag iba yung ihip na hangin dito sa kwarto ko at nag friend request din si lucy sa akin.
Posible bang häçker ang nag gawa nitong virus na ito?
Ewan ko ba jan, baka may auto friend request yung binasahan ko na site
 
Ito part 2 para sa mga natakot,
Pambawi lang

ENZO CRUZ: Huh? Multo ka?
LUCIA JOAQUIN: Wag kang maingay. Please! Ayaw kong matakot ka sa akin dahil sa mukha ko.
ENZO CRUZ: Bat ka andito? Anong gusto mo?
LUCIA JOAQUIN: Ginahasa nila ako. Pinagsamantalahan. Inapi. Inalila. Kaya wag kailangan kita. Ipaghigante mo ako.
ENZO CRUZ: Paano kita matutulungan? Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
LUCIA JOAQUIN: Ganito, pahiram saglit ng account mo. Magli live lang ako.
ENZO CRUZ: Ayaw ko. Baka matakot mga friends ko.
LUCIA JOAQUIN: Please Enzo. I'm begging! I hate those people!
ENZO CRUZ: Bumalik kana sa kung saan ka galing. Ano ba real name mo?
LUCIA JOAQUIN: Ang real name ko ay MARIA LUCIA VELASCO JOAQUIN.
ENZO CRUZ: Wag kana magparamdam. Madaming matatakot sayo sa ginagawa mo. LUCIA JOAQUIN: Ayaw ko. maghihigante ako! Maghihigante ako. Humanda kayong mga lalake. Papatayin ko kayo.
ENZI CRUZ: idadamay mo ako?
LUCIA JOAQUIN: hindi kita idadamay. Kasi alam kong Bakla ka.
ENZO CRUZ: Secret lang natin yon ah! Magagalit si pudrakels. Wit mo kokoda ah. Shutang inames!
LUCIA JOAQUIN: Oo bessy! Wit ko kokoda! Tara gorabels na tayes! Kokoryo na tayes sa mga ombre! Gorabels?
ENZO CRUZ: Gorabels bessy! (Itutuloy....)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top