What's new

Closed bataw

Status
Not open for further replies.
J

Jeanh

Guest
12743818_953635841395131_8296483140181524429_n.jpg

Ang bataw ay isang gumagapang na halaman na kilala dahil sa bunga nito na ginagawang gulay. Ang mga dahon at bunga ay bahagyang mamula-mula, habang ang bulaklak naman ay maputi at bahagyang kulay lila o pink. Karaniwang pananim sa mabababang lugar sa Pilipinas.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BATAW?
Ang iba’t ibang bahagi ng bataw ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang murang bunga ng bataw ay makukunan ng calcium, phosphorus at iron.
Ang mga buto ay mayroong protein, fat, ash, hydrocyanic acid, emulsin, allantoinase, at vitamin C
Ang bulaklak ay mayroon namang luteolin, cosmosiin, leteolin-4^-0-beta-D-glucopyranoside, luteolin-7-0-beta-D-glucopyranoside, rhoifolin, at D-mannitol
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Ang dahon ng bataw ay maaaring gamitin bilang pantapal o kaya ay nilalaga upang mainom.
Bunga. Ang bunga o pods ng bataw ay maaari ding katasan upang magamit sa panggagamot.
Buto. Ang mga buto ay maaaring kainin bilang gulay pagkatapos ilaga.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BATAW?
1. Tulo. Ang pinaglagaan ng dahon ng bataw ay mabisa para sa tulo o gonorrhea kung iinumin.
2. Tuklaw ng ahas. Ginagamit ng ilan ang dinikdik na dahon ng bataw bilang pantapal sa sugat mula sa tuklaw ng ahas.
3. Sugat. Ang katas naman ng dahon na hinaluan pa ng dayap ay mabisa na panghilom sa sugat.
4. Sore throat. Ang katas mula sa bunga ng bataw na nilagyan ng kaunting asin ay mabisang panlunas din sa sore throat.
5. Eczema. Maaari namang gamitin para sa kondisyon ng eczema ang pagtatapal ng dinikdik na sariwang dahon ng bataw.
6. Pananakit ng sikmura. Ang mga buto ay dapat kainin kung sakaling nakararanas ng pananakit ng sikmura.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top