1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Bakit masamang lunukin ang toothpaste?

Discussion in 'General Chat' started by aregee, Aug 6, 2015.

  1. 1. May kahalong formaldehyde: Ito ang pumapatay sa bacteria na sumisira ng ngipin. Ang paglunok ng formaldehyde ay nagreresulta ng jaundice, kidney damage, liver damage at kung sosobra, kamatayan.

    2. May detergent: Ito ang nagpapabula ng toothpaste para feel na feel natin ang pagsesepilyo. Ngunit kapag lulunukin ay magiging dahilan ng digestive tract burning.

    3. May Peppermint oil: Ito ang nagpapabango at nagpapapresko ng hininga ngunit kapag nalunok ay magiging dahilan ng mahinang pulso, heart burn at pangangatal ng kalamnan.

    4. May Paraffin: Ito ang dahilan kung bakit “smooth” sa bibig ang toothpaste. Kapag nilunok ay magiging dahilan ng sakit ng tiyan, pagsusuka at constipation.

    5. May Glycerine Glycol: Inihahalo para hindi ma-dry ang toothpaste. Hindi lason ngunit nagiging dahilan ng pagsusuka.

    6. May Chalk: Ito ang nagtatanggal ng plaque sa ngipin ngunit kung malulunok ay magiging dahilan ng lung problem.

    Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
    7. May Titanium Dioxide: Inihahalo sa puting pintura. Nakakaputi ng ngipin at walang perwisyong dulot sa katawan. Kaya lang, gugustuhin mo bang makarating sa iyong bituka ang bagay na ipinapahid o ipinipintura lang sa pader.

    8. May Saccharin: Upang hindi maglasang sabon, ang tamis ng saccharin ang nagtatakip sa masamang lasa. Hindi lason pero ipinagbawal sa US noong 1972.

    9. May Menthol: Nagtatakip ng lasang chemical mula sa mga chemical ingredients at lasa ng seaweeds. Hindi lason.

    10. May seaweeds: Para maging malapot ang consistency ng toothpaste. Hindi lason.
     
    ravage likes this.
  2. hase0278

    hase0278 Forum Veteran Established

    Thanks for the info.
     

Share This Page

Loading...