What's new

Closed Ang kasaysayan sa paniniwala tungkol sa chinese new year

Status
Not open for further replies.

kriezcian

Honorary Poster
Established
Joined
Dec 6, 2015
Posts
627
Reaction
163
Points
215
Ang Chinese New Year ay ang tradisyonal na pagdiriwang ng mga Tsino sa pagpasok ng bagong taon batay sa sinusundan nilang lunar calendar. Gaya ng ating mga nakasanayan, isinasalubong ng iba ang bagong taon (January, 1). Pero para sa mga Tsino ito'y kanilang ipinagdirawang sa araw ng 28 buwan ng January (Chinese New Year). Ito ang masasabing pinaka-mahalagang okasyon ng mga Tsino, lalo na ng bawat pamilya at ginagawa nila ito sa loob ng 15 araw. Ngayon taon na ito 2017 ay year of the Rooster.

Pero ano nga ba ang paniniwala ng mga Tsino sa kasaysayan ng pagdirawang ng kanilang Chinese New Year?

Batay sa alamat, nung sinaunang panahon ay may isang malaking halimaw na nagngangalang Nien o Nian (nangangahulugang “taon”) ang lumilitaw sa gabi ng pagtatapos ng taon, at sinasalakay ang mga mamamayan. Isang matandang lalaki ang naglakas-loob na harapin ang halimaw at kausapin ito. Sinabi ng matanda sa halimaw na sa halip na lusubin nito ang mga mamamayan ay ang mga naglalakihan at mapanganib na hayop na lamang ang kanyang salakayin at kainin. Ginawa nga ito ng halimaw, at ito'y lumisan kasama ang matanda na nang lumaon ay naging isang walang-kamatayang diyos.

Bago umalis ang matanda ay sinabihan niya ang mga mamamayan na sa tuwing magtatapos ang taon ay magsabit sila ng mga papel na kulay pula sa kanilang mga tahanan upang sakaling magbalik ang halimaw ay matakot ito sapagkat ito ang pinakakinakatakutan nitong kulay. Kasabay nito, ang mga tao ay nagsimula na ring gumawa ng ingay gaya ng pagpapatugtog ng kanilang mga kagamitan at paggamit ng paputok upang tanglawan ang madilim na gabi sa takot na ang halimaw ay biglang magbalik. Dahil napatunayan nilang mabisa ang ginawa nilang paraan ng pagpapaalis kay Nian ay naging taunang ritwal na sa kanila ang salubungin ang bagong taon ng maingay at maliwanag...

At ayon sa alamat, inanyayahan ni Buddha ang lahat ng mga hayop na dumalo sa kanyang pagdiriwang ng Bagong Taon ng mga Tsino. Sa lahat ng kaniyang inanyayahan, labindalawa lamang ang nagpaunlak. Dahil dito, ipinangalan niya sa 12 hayop ang 12 taon at ipinahayag na ang sinumang isilang sa taon ng partikular na hayop ay magtataglay ng ugali ng naturang na hayop...

Ito ang mga sumusunod...
2008 - Pebrero 7 (Rat)
2009 - Enero 26 (Ox)
2010 - Pebrero 14 (Tiger)
2011 - Pebrero 3 (Rabbit)
2012 - Enero 23 (Dragon)
2013 - Pebrero 10 (Snake)
2014 - Enero 31 (Horse)
2015 - Pebrero 19 (Sheep)
2016 - Pebrero 8 (Monkey)
2017 – Enero 28 (Rooster)
2018 - Pebrero 16 (Dog)
2019 - Pebrero 5 (Pig)

Pero ang 12 sign na yan sa mga Tsino ay nakabatay bilang Astrology ng mga tao, pero sa katotohanan ay di ito isang branch ng Science kundi ito'y Pseudo-science lamang. At dahil wala naman itong siyentipikong basihan maaaring isipin nating ito ay mga kuwento lang... At sa mga paniniwalang ganito ay sari saring pamahiin naman ang mga lumitay na nakaimpluwensya rin sa ating mga pinoy.

by: kine fanega faisan ampostls

like and share...
 
Sa sinaunang Roma naman nagsimula ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa Enero 1. Bago nito, sa Marso nila pinapasimulan ang bagong taon, at ang iba´t ibang kultura ay may kani-kaniya ring petsa ng pagpapasimula ng bagong taon.

Heto ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa kasaysayan kung bakit Enero 1 ang bagong taon sa maka-Kanluraning mga bansa. Madaling salita, gumawa ng kalendaryong nakabatay sa araw si Julio Cesar, pamalit sa kalendaryong nakabatay sa buwan, at sa bagong kalendaryong ito naging opisyal sa imperyo na maging Enero 1 ang bagong taon. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na nang gamitin ng Imperyo ng Britanya ang Enero 1 bilang pasimula ng bagong taon, at dahil sila ang pinakamakapangyarihan sa mga panahong iyan sa buong mundo, naging pamantayan na Enero 1 ang maging bagong taon, kahit na kung tutuusin, kahit anong araw ay pwedeng italagang pasimula ng bagong taon.

Kung iisipin, halos magkasabayan lamang ang pamamayagpag ng kabihasnan ng Sinaunang Roma at ng Tsina, subalit kung ang sinaunang Roma ay nalaos na sa kapangyarihan, ang Tsina ay buhay pa rin hanggang sa kasalukuyan.
 
Samantala, sa Pilipinas, ang panahon ay batay sa agwat ng pag-aani ng mais, kung kaya ang pagsukat ng edad ay batay sa kung ilang tag-mais na ang lumipas.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top