What's new

Closed Kung hindi ka naging tao...

Status
Not open for further replies.

KLi

Eternal Poster
Joined
Feb 1, 2013
Posts
1,612
Reaction
395
Points
378
Kung hindi ka naging tao..
  • ay hindi ka makakaranas ng galit, poot, pag-iimbot, hinanakit at pagkasuklam.
  • ay hindi ka magsiselos, maninira, at mananakit ng damdamin ng iba.
  • ay hindi ka magiging "possessive" sa mga materyal na bagay.
  • ay wala kang mararanasang kakulangan sa lahat ng bagay.
  • ay hindi ka makakaranas ng sakit at hirap.
  • ay walang uhaw, gutom, at pagod.
  • ay hindi mo mararanasan kung paano mamuhay bilang isang tao.
Ang buhay natin sa mundo ay maraming kalakip na ilusyon. Ito ang kumukontrol sa atin upang umakto ng gaya ng nakararami. Ito ang siyang rason kung bakit tayo naghihirap, nasasaktan, nakararanas ng matinding kalungkutan, nagiging gahaman, at marami pang masasamang karanasan natin sa mundo. Bunga nito, tayo ay nakikipagpaligsahan sa kapwa natin. Kailangan nating maabot ang rurok ng tagumpay, na akin lamang ang mahal ko, na ako ay mas maganda sayo, na iba ka at iba ako at ang estado ng buhay ko sayo. Sapagkat tayo ay narito upang maranasan ang reyalidad sa loob ng isang ilusyon.

Sa kabila ng mga ito, nararapat lamang natin itong maranasan upang maabot natin ang tunay na rason kung bakit tayo naririto. Tayo ay naririto sa mundo upang matutunan natin ang mga aral kung paano magpatawad, humingi ng tawad, at kung paano magmahal.


Walang tao na hindi marunong magmahal. Lahat tayo ay ito ang siyang hinahanap pagkat ginawa tayo para rito. Ngunit ang wagas na pag-ibig na ito ay nilukuban na ng mga paniniwala at ilusyon na nabuo sa daloy ng panahon. Ito ay kailangan nating wakasan. Magmahalan po tayo. :)
 
Last edited by a moderator:
smiley good.gif
 

Attachments

1 Corinto 13:13
(Ang Dating Biblia 1905)

Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.


Kung wala kang pagibig, magulo ang buhay natin.
 
  • Like
Reactions: KLi
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top