What's new

Closed Ang singsing

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,867
Reaction
1,426
Points
929
Ang Singsing

makinang...maganda
Pilak, ginto; may bato o wala
Ibinigay niya sa akin
Saan ko gagamitin?

Isusuot daw ito
Sabi niya: tanda ng pag-ibig ko
Para nasaan man ako
Ikaw ay kasama ko

Magandang puting ginto
Sa gitna ang maningning na bato
Subalit paano ko paninindigan ito sa kamay ko
Kung sa mga magulang mo...isa akong estranghero.

Nabalot ng pag-aalangan
Palasingsingan ba ay lalagyan
Simbolo ng pagmamahalan
Singsing lang ba ang batayan?
 
sabi na nga ba ikaw ang may post eh.. fans mo na ako..

.....

ikaw bay ginto o isang tansong binalutan ng ginto..
sa unang tingin ikay totoo subalit sa panahong gamit ikay....

diko na tatapusin.. nadala lang ako.. mahilig ka rin palang gumawa.. pa add sa fb pwede
 
Sinend ko na po, pakilala ka nalang
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top