Always retain yung text/call SIM mo para sa contacts mo - yung SIM ko nga College days ko pa na number kaya may sentimental value. Kung dual SIM or pocket wifi ka gamitin mo SIM2 exclusively for data use lang kaya okay lang magpalit palit.
Oo nga pansin ko din na bumilis yung pag accept ng offer. Unlike before na nag fafail pa sya ng 3 to 4 times bago kumagat. Kakatamad nga mag accept kaya lang kelangan eh haha.
If nawala mo ang SIM card - need mo ng affidavit of loss na notarized at isang valid government ID bago ka nila issuehan ng new SIM using the same mobile number. Iveverify din nila yan sa system kung di na nga active - tatawagan nila ang number to check kung may sasagot o wala.