What's new

Closed Talagang mahirap

Status
Not open for further replies.

Grimzynk

Eternal Poster
Joined
Sep 24, 2018
Posts
273
Solutions
1
Reaction
1,285
Points
286
Mula pa kahapo'y sumubok kumatha
Sinikap buuhin mga talinghaga
Hangad ay tumulang malalim at tugma
Animo'y makatang bihasang tumula.

Ngunit hanggang ngayo'y hindi pa maalam
'Pagkat sadyang kulang yaring nalalaman
At tanging hangad lang ay mabiyayaan
Ng inyo pong dunong, mga kaalaman.

Kaya't pinasya nang sa inyo'y mangalap
Ng dag-dag na dunong, mga nararapat
At angkop na titik, mga pangungusap,
Dahil wikang Ingles, talagang mahirap.

Sa alinmang payong ipag-kakaloob
Ay pasasalamat na bukal sa loob.

~Grimm


Corny po 'yan, pero serious po ako.
Gusto kong matutong gumawa ng English Sonnet(Shakespearean Sonnet).
Kamakailan ko lang nalaman na marami palang ibang uri ng tula(actually nalaman ko lang pag-punta ko dito sa section na 'to haha).
Ballad pala 'yung kalimitan kong ginagawa, meron pa palang Sonnet, Haiku at iba pa.
 
Last edited:
haha, kaya nga hirap tlga ng english eh. Sa grammar tlga ako nahihirapan lalo sa "tenses of verb". How to use "have, had, has" properly. When to use "past perfect" or "past simple", etc. Ofc. proper punctuation marks. Sa school kasi ok na ako basta wlang line of 7 sa card, pero hindi sapat para maka line of 9. Hindi ako gaanong active/serious sa school, bumabawe na lng tlga ako sa quizzes at exams. Mas natuto nga lang tlga ako sa English sa pag-babasa sa internet, mostly from novels(napilitan lang tlga haha para mas maintindihan ko 'yung binabasa ko haha).
 
[XX='Grimzynk, c: 134806, m: 1324367'][/XX]
Thou, Thee, Thy, Thine and Ye. Ito rin mga 'to pinag-aaralan ko panu gamitin haha. May mga ganito kasing dialogs minsan sa binabasa 'kong novels at halos di ko sila maintindihan. Pati sa mga poems marami ring ganto. Romeo and Juliet marami yata nito.
 
[XX='Grimzynk, c: 134806, m: 1324367'][/XX] Okay yan. Malaki maitututong ng pagbabasa to improve your comprehension. Mas mganda rin na mag English ka palagi para masanay ka na din. Wag mong intindihin kung magkamali ka. We all started there. You'll learn eventually.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 14
    Replies
  • 456
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
Falln

Online statistics

Members online
507
Guests online
5,931
Total visitors
6,438
Back
Top