What's new

Closed Hoarseness o Pamamaos: Masama ba ito? Payo ni Doc Willie Ong

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
Namamaos ka ba? Natural lang ba ito? O baka senyales na ito ng isang malubhang sakit
Alamin kung ano ang pinagmumulan ng pamamaos.

Sagot:
Ang hoarseness o pamamaos ay pangkaraniwan sa mga guro, mang-aawit at tagapagbalita. Kung masyadong malakas ang iyong pakikipag-usap, maaari mong mai-stress ang iyong tinig at vocal cords. Magpahinga ng isang araw o dalawa ng boses at gagaling na ito.

Ngunit kung ang pamamaos mo ay higit sa 2 linggo, kailangan mong mag-patingin sa espesyalista na Ear, Nose, at Throat doctor (ENT). Sa mga bihirang kaso, ang hoarseness ay maaaring sanhi ng cancer ng larynx, na una sa isip ng mga doktor ng ENT.
Sa katunayan, ang hoarseness ay maaari ring sanhi ng seryosong sakit tulad ng aortic aneurysm, paglaki ng puso, at tumor sa baga. Ito ay dahil ang kaliwang laryngeal nerve (na kumokontrol sa vocal cord) ay nagmumula sa ****** at umiikot sa ilalim ng aorta (pinaka-malaking ugat). Pag naipit itong laryngeal nerve sa paglaki ng puso o kung may tumor ay namamaos ang tao.

Samakatuwid, ang mga problema sa bahagi ng ****** at puso ay maaaring maipit ng kaliwang laryngeal nerve na nagdudulot ng pamamaos.

Walang masama kung babantayan ang iyong mga nararamdaman upang makaiwas at maagapan ang anumang simpleng sakit upang hindi na mauwi sa malalang sakit.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top