What's new

Closed Gamot sa ubo

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
docwillieong-20191020-0001.jpg

Ubo ng Ubo: 17 Solusyon
Payo Ni Doc Willie Ong

Ang ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso (flu), sipon, allergy, sigarilyo, pulmonya (pneumonia), namamagang tonsils at tuberculosis.
Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis ay nangangailangan inuman ng antibiotics. Ang tuberculosis naman ay ginagamot sa loob ng 6 na buwan.
Subalit para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, heto ang dapat gawin:
1. Uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig. Pinapalabnaw ng tubig ang madidikit na plema.
2. Uminom ng mainit na salabat o sabaw ng manok. Ang pag-inom ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag ng mga tubo natin sa baga.
3. Itigil ang paninigarilyo. Umiwas sa mga bisyo.
4. Uminom ng Vitamin C para lumakas ang ating immune system.
5. Uminom ng tsa-a na may honey at lemon. Mabisa ang honey sa pagkalma ng naiiritang lalamunan. Ang lemon ay may vitamin C.
6. Umiwas sa nakaka-allergy na bagay. Maraming ubo ay allergy ang dahilan. Puwedeng magka-allergy sa usok, sa balahibo ng pusa at aso, sa matatapang na pabango, at sa pollen mula sa halaman.
7. Gamot para sa ubong may plema: Puwedeng uminom ng mga gamot tulad ng carbocisteine, ambroxol at lagundi para lumabnaw ang plema. Ngunit huwag ganoong umasa sa mga ito. Tubig pa rin ang mas mabisa.
8. Gamot para sa tuyong ubo (dry cough): Para sa nakakaistorbong ubo, uminom ng butamirate citrate o dextromethorphan syrup. Kung allergy naman ang dahilan ng ubo, puwede and Diphenhydramine.
9. Ilabas ang sipon. Kung ika’y may sipon, suminga ng madalas para hindi tumulo ang sipon sa iyong lalamunan na puwedeng magdulot ng pag-ubo.
10. Umiwas sa mausok na lugar. Puwedeng sumakay sa mga air-con na bus at jeep. Huwag din gaanong maglakad sa lansangan. Umiwas sa mga taong naninigarilyo.
11. Lumanghap ng mainit at basang (moist) hangin. Pinapaluwag nito ang plema sa ating baga. Puwede ka rin manatili sa banyo kung saan dumadaloy ang mainit na ****** o gripo. Ang usok nito ay nagpapalabnaw ng iyong plema. Isa pang paraan ay ang paglanghap ng mainit na usok ng tubig sa ibabaw ng palanggana o kaldero.
12. Tingnan kung may iniinom kang gamot tulad ng Ace-inhibitor para sa altapresyon dahil puwede itong magdulot ng ubo.
 

Attachments

Salamat may sinat kasi ako ,over patig ata tawag dito masyado kasi ko napagod last day ito at day off ako now sayang araw ..
salamat sa tips
 
Salamat po dito. Sakto may ubot sipon ako. Di ako maka tulog sa gabi dahil sa ubo ng ubo. Malaking tulong to sakin ngayon.. Salamat
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top