1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

ZIKA VIRUS : MALAPIT na sa PILIPINAS

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Jan 29, 2016.

  1. Update on ZIKA Virus (Friday, 9:00 A.M. January 29, 2016):

    Kaibigan, KUNG hindi natin AALAMIN at LALABANAN itong Zika Virus outbreak, BAKA maapektuhan ang libu-libong sanggol sa Pilipinas. Maraming pamilya ang maghihirap lalo.


    ZIKA VIRUS : MALAPIT na sa PILIPINAS


    Naghahanda na ang mga bansa sa Asia sa pagpasok ng Zika Virus.
    Sa Taiwan at Thailand ay may Zika Virus na.
    Ang Singapore ay todo-kampanya na laban sa Lamok, ang nagdadala ng Zika virus. Sabi ng Singapore, "Hindi natin maiiwasan ang pagpasok ng Zika virus sa ating bansa, pero inuumpisahan na natin ang paglinis at pag-tuturo sa publiko."

    Bakit Seryoso Itong Zika Virus:

    Ang Zika virus ang tinatayang dahilan sa pagkakaroon ng 4,000 abnormal na sanggol sa Brazil nitong nakalipas na 3 buwan. 68 sa mga sanggol ay namatay na, dahil sa Microcephaly (maliit na ulo ng sanggol).

    Travel Advisory sa Mga Buntis o Posibleng Buntis:

    HUWAG muna mag-lakbay sa (Latin America) Bolivia, Brazil, Cape Verde, Colombia, Ecuador, El Salvador, French Guiana, Guadeloupe, Guatemala, Guyana, Haiti, Honduras, Martinique, Mexico, Panama, Paraguay, Saint Martin, Suriname, Samoa, Venezuela and Puerto Rico.

    Ang Zika virus ay nangagaling sa Aedes aegypti na lamok, na siyang nagdadala din ng dengue virus.

    Hawig ang sintomas ng Zika virus sa dengue. Pagkatapos makagat ang pasyente ng lamok na may Zika virus, magkakaroon siya ng lagnat, pananakit ng ulo, at pantal (rashes) sa katawan. Minsan, namumula din ang mata at sumasakit ang kasu-kasuan (joints).

    Ang isang paraan sa pagkalat ng Zika virus ay kapag nakagat ang isang pasyenteng may sakit, puwede makuha ng lamok ang Zika virus mula sa pasyente. Dahil dito, magdadala na ang nasabing lamok ng Zika virus.

    Peligro sa Buntis at Nabubuong Sanggol:

    Sa 80% ng pasyente, gumagaling sila agad sa Zika virus. Ngunit ang kakaiba sa Zika virus ay naaapektuhan nito ang sanggol sa sinapupunan. Nagiging abnormal ang sanggol kapag pinanganak, tulad ng pagliit ng ulo (microcephaly) at posibleng pagkamatay.

    Sa ngayon ay wala pang bakuna o gamot laban sa Zika virus. Kaya kailangan nating malaman ang paraan ng pag-iwas nito.

    Heto ang payo ng Centers for Disease and Control:
    1. Sa mga buntis, huwag muna lumakbay sa mga bansa na may Zika virus, tulad ng Latin America, Mexico.
    2. Sa Brazil, pinapayuhan ang mga babae na huwag muna magbuntis ng 2 taon hanggang ma-kontrol itong sakit.
    3. Kung kailangan ninyo pumunta sa mga bansang ito, gawin ang lahat para hindi makagat ng lamok.
    4. Magsuot ng mahabang pantalon at baro. Piliin ang makapal na baro na hindi aabot ang kagat ng lamok.
    5. Maglagay ng lotion laban sa lamok (tulad ng Off Lotion).
    6. Matulog sa kuwartong may screen. Isara ang bintana at pintuan.
    7. Gumamit ng kulambo.
    8. Kadalasan ay sa umaga at dapit-hapon nangangagat ang Aedes aegypti na lamok.

     
    vault09, romel75, aoherfi and 4 others like this.
  2. Salamat sa impormasyon.
     
  3. Nice. Isa to sa update ng meeting namin kahapon. Informative.
     
  4. welcome mga bossing
     
  5. imformative. salamat d2 idol.
     
  6. Salamat sa pagshare nito... dapat maging aware talaga lahat lalo na buhay ng magiging anak ang naksalalay
     
  7. thanks for the info :joyful:
     
  8. Timrep

    Timrep Addict Established

  9. thank you for the health teaching sir.
     
Tags / Keywords: