1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

wushhuuung....boooom sabog..

Discussion in 'Love' started by Jeanh, Nov 25, 2015.

  1. KAMERA.
    Bagay na kumukuha ng memorya.

    Parang noong tayong dalawa pa,
    lahat ng pag-asa at masasayang memorya,
    pinakita mo na.

    Lahat ng pangako ng pag-ibig mo sa akin,
    na hindi mo ako sasaktan at paluluhain,
    naniwala ako. Oo! Naniwala sa pag-ibig natin.
    Pero mga pangako mo pala'y
    tatangayin lang ng hangin.

    Ganon pala talaga. May mga bagay na sa
    sa simula lang masaya.

    **********************************************************
    PANGAKO.
    Mga salitang nagbibigay kasiguraduhan
    na mangyayari ang isang bagay na iyong pinakaaasam.

    "Gaano man katagal,
    maghihintay ako sa iyong pagmamahal."

    ‘Yan ang binitawan mong pangako.
    Bago tayo magdesisyon na magpakalayu-layo.
    Ngunit nasaan na ang mabubulaklak na pangako?
    Bakit bigla na lang sa iyo’y may nagbago?

    Kinalimutan na ang pinagsamahan,
    napako na ang sumpaan.
    Hanggang dito na lang ang lahat.
    Sa mga alaala, ako'y nagpapasalamat.

    **********************************************************
    SIYA.
    Hindi ikaw. Hindi ako. Kundi siya.

    Siya ang pinili mo kahit ako ang nauna.
    Siya ang sumira sa pagmamahalan nating dalawa.

    Ngayon wala nang tayo kasi anndiyan na siya.
    Ano nga bang meron siya at iniwan mo akong nagdurusa?

    *********************************************************
    ALANG ARAW.
    Sa darating na panahon.

    Sasapit din ang araw na magsisisi kang
    hindi mo pinansin ang pag-ibig ko noon.

    Yayakap ang oras sa ating dalawa
    at sasabihin mong sana hindi mo na lang
    sinayanang ang pagkakataon.

    Pero nalimutan na kita at ang sakit ng kahapon.
    Okay na ako. Maayos na ako ngayon.

    *******************************************************
    PAGTITIIS.
    Mahirap pero kinakaya ko pa rin.

    Ang lahat ay kaya kong tiisin.
    Iparamdam mo lang sa akin
    kung paano ba ang mahalin.

    Lahat ng luha ay kaya kong punasan,
    kahit nakakapagod na mahalin ka,
    hindi ako susuko at 'di kita iiwan,
    Maparamdam ko lang din sa iyo
    kung gaano ka kahalaga sa puso ko.

    **********************************************************
     
    eon likes this.
  2. EARZE

    EARZE PHC Contributor Established

    thanks for sharing boss.. (y)
     
Tags / Keywords: