1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Wallet by Asmodeus

Discussion in 'Stories, Fiction & Essays' started by rionesenobi, Dec 1, 2015.

  1. Mahamog ang gabi kung kaya naging mahirap para kay Elmer ang paghahanap sa daan sa nawawala niyang wallet. Dahil bukod sa kulay itim na ito at malabo ang paningin niya, wala pang ilaw sa kalyeng iyon at medyo basa pa ang aspaltong kalsada na mas nagpatingkad pa sa kulay nito. Kung bakit kasi napadaan pa siya sa eskinita na iyon pauwi sa bahay. Nayaya pa tuloy siya ng pareng Ariel niya na nadaanan niyang nakikipag inuman sa mga kasamahan niya sa trabaho sa labas ng tindahan ni Aling Cora. Di talaga umiinom si Elmer kung kaya't dalawang bote lang ng beer ay nakakaramdam na siya ng pamamanhid ng mga pisngi. Magtatagal pa sana siya dun kung di lang siya nakaisip ng alibi para makatakas. Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkukwentuhan ay dumukot siya sa bulsa para kunin ang cellphone at kunwaring magtetxt. Isinave niya ang number niya sa phonebook at pinangalanan niyang Ate saka sya nagtext sa sarili niya. Umaayon naman sa kanya ang pagkakataon dahil may problema ang network na gamit niya sa area nila. Delayed ang dating ng text messages kung kaya't ilang minuto din bago pa tumunog ang cp niya mula nang isuksok niya muli sa bulsa.

    *message alert tone*

    tumunog ito at sinundan niya kaagad ng bunot ng cellphone sa bulsa na wari'y inaalam kunwari kung sino ang nagtext.

    "Pare, kailangan ko na umuwi. Dumating pala si ate. Nasa labas na siya ngayon ng bahay eh." wika ni Elmer na bakas sa mukha ang pag-aalala.

    "Yan ka na naman pare eh, minsan na nga lang tayo magkasama sa inuman oh." Sagot naman ni Ariel.

    "Sensya na talaga pare. Babawi na lang ako sa inyo sa susunod. Ito pa nga ang text oh. Basahin mo."

    Sabay abot ng cellphone niya kay Ariel. Di na hinawakan ni Ariel ang cellphone . Pagkakita nya sa text ay sinabihan na lang siya nitong mag-ingat sa daan pauwi. Tila uulan kung kaya't papasok sana si Ariel sa kanilang bahay para ikuha ng payong ang kaibigan ngunit tumanggi ito dahil malapit lang naman daw ang bahay niya. Bumili lang si elmer ng dalawang stick ng sigarilyo sa tindahan, sinindihan ang isa at nagsimula nang maglakad pauwi. Habang tumatagal ay nakakaramdam si Elmer ng pamimigat ng katawan. Parang bawat hakbang niya ay nagiging pahirap ng pahirap. Pagkalipas lang ng ilang minuto at di pa siya gaanong nakakalayo sa tindahan kung saan siya galing ay naramdaman na nyang parang may konting tama na rin pala siya. Sa edad na 31 ay di pa rin nakakapag asawa si Elmer. Di naman siya binabae at lalong di naman siya panget. Bukod sa sobra sobra para sa kanya ang kinikita sa pagmemekaniko ay maganda ang kanyang pangangatawan. Sadyang napakapihikan lamang niya sa babae. Mula sa tindahan ni Aling Cora ay limang kanto pa ang kanyang lalampasan. Nasa pangalawang kanto pa lamang siya nang makaramdam sya ng para syang naiihi kung kaya't naghanap siya ng lugar na pagrarausan ng tawag ng kalikasan.

    "Ayun!" wika niya sa sarili habang papalapit sa isang poste sa may madilim na gilid ng kalsada.

    Agad niyang ibinaba ang kanyang zipper at nagsimulang ibsan ang pamimigat ng pantog. Ngunit bigla na lamang may umakma sa kanya ng sunggab mula sa kadiliman kasabay ng malagong at malakas na pagkahol..

    Iniwan pala ni Mang Onyok ang kanyang aso sa labas ng kanyang tindahan gaya ng nakaugalian nito tuwing gabi. Ipinapasok niya ito pagkagaling niya sa pangongolekta ng boundary sa mga pinapabyahe niyang tricycle. Kung di lang alerto si Elmer sa mga ganong eksena ay malamang na nahagip na nung aso ang kanyang putotoy nang maihian niya ito habang natutulog. Mabilis na nakailag palayo si Elmer sa mismong akto na napalundag ang aso sa pagkabigla na animo'y normal na reaksyon na lang ang mangagat sa ganong dahilan ng pagkagulat. Saglit na kinabahan si Elmer. Damang dama niya ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Napamura na lang siya sa sarili. Pakiramdam niya ay nawala na ang pamimigat ng kanyang pantog kung kaya't nagpatuloy na muli siya sa paglalakad pauwi. Sa sumunod na kanto, bagama't maliwanag ang daan dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga poste sa mga gilid ng kalsada, di pa rin ito sapat upang makita niya ng mabuti ang mga masasalubong at dinadaanan. Sa di kalayuan ay may natanaw siyang naglalakad na matandang lalaki. Tila sumisigaw ito ngunit di niya gaanong naiintindihan ang sinasabi. Lubhang napakahina ng boses nito at napakabagal nyang maglakad. Ilang hakbang na lang ang layo niya nang maintindihan niya ang isinisigaw ng matanda.

    "Balut! Penoy Balut!" Sigaw ng matanda.

    Tila sumasang ayon kay Elmer ang pagkakataon dahil saktong di pa man lang siya naghahapunan. Medyo nahihilo na siya at palagay niya ay di na niya magagawa pang magluto pagkauwi ng bahay. Naisip niyang bumili na lang ng balut para malamanan man lang ang tiyan.

    "Tatang, magkano po ang balut?" Tanong ni Elmer.

    "Dose lang. Mainit pa ang mga ito. Kakalabas ko lang eh. Wala akong isusukli sa malaking halaga ha." Sagot ng matanda.

    "Sige po pabili ako ng dalawa."

    Agad na bumunot si Elmer sa bulsa para kunin ang wallet niya na may larawan pa ni Belle, ang dati niyang kasintahan na iniwan siya nang mapagtanto sa sarili na isa pala siyang tomboy. Saglit na nanariwa kay Elmer ang nakaraan nila ng dati niyang kasintahan. Sa isang sulok ng kanyang isipan ay mahal pa rin niya ito at di pa rin niya matanggap na wala na sila. Nais niyang magalit. Pero ang nangyari ay nangyari na.

    "Boy heto na yung balut mo. Kailangan kong magmadali dahil kailangan ko pang maghanap ng mabibilhan ng bigas. Di pa ako naghahapunan. Baka masaraduhan ako ng tindahan!"

    Pabulyaw na pagputol ng matanda sa pagmumuni-muni ni Elmer na tila may halong pagkairita. Sinimulan niyang alisan ng balat ang balut paunti unti habang naglalakad. Magpapatuloy pa sana siya sa pagmumuni-muni nang manlaki ang kanyang mga mata sa natuklasan. Saglit syang natigilan. Di niya matanggap ang katotohanan. Pero huli na ang lahat...

    PENOY ang naibigay sa kanya ng matanda!

    "TATANG!!!!!!" Binasag ng malakas niyang sigaw ang katahimikan ng paligid.

    Dahilan upang mabulahaw maging mga natutulog nang mga hayop sa mga kabahayan kung kaya't nagsimulang mag-ingay ang mga ito. Para siyang nanlumo dahil sa nangyari. Namalayan na lang niya ang kanyang sarili na lumuluha. Tuluyan nang nilamon ng kadiliman maging ang kalangitan kung kaya't walang matatanaw, buwan man o mga bituin. Umihip ng napakalakas ang hangin dala ang isang malaking sando bag at humampas ito sa kanyang mukha. Di niya ito pinansin. Sumunod ang samu't saring basura gaya ng lata, bote, maging gamit na diaper at napkin. Pakiramdam niya ay nagiisa lang siya sa mundo. Sa gitna ng kawalan. Sinundan ito ng malakas na pagkulog at pagkidlat. Hanggang sa magsimulang pumatak ang ulan. Napaluhod na lang siya sa panlulumo. Wari'y pinagkaitan siya ng tadhana na makakain man lang ng kahit dalawang pirasong balot bago makauwi ng bahay nang gabing iyon. Mag-a alas onse na nang makauwi ng bahay si Elmer dahil sa katakot takot na kamalasang inabot niya sa daan. Nakalimutan niya ang supot ng binili nyang dalawang penoy sa gitna ng kalsada kung saan siya lumuhod. Binalikan niya ang mga ito ngunit wala na syang naabutan. Marahil ay kinuha ng asong gala o pusa. Dahil sa labis na pagkahilo dala ng kalasingan ay napahiga na lang siya sa kung saan at nakatulog. Nagising siya bandang alas dyis pasado. Nakaidlip pala siya sa tambakan ng basura. Nagising na lang siya dahil sa lakas ng ulan na tuloy tuloy ang direktang pagpatak ng malalaking butil sa kanyang mukha. Nawawala ang isang kabiyak ng kanyang sinelas kung kaya't nakatapak siya ng tansan nang sya ay tumayo at nagkasugat sa talampakan. Iika ika siyang naglakad pauwi. Pagkarating sa labas ng bahay ay kaagad nyang binuksan ang isang bintana sa harap ng kanyang bahay para kunin ang susi na madalas lang nyang itago sa likod ng pinto ng bintana. Ugali niyang mag-iwan ng isang pinto ng bintana na di nakalock para mapagtaguan. Agad syang lumapit sa pintuan para buksan ang pinto. Nang bigla nyang maalala..

    wala nga palang door knob or kahit anong susian ang pinto ng kanyang bahay. tinatalian lang nya ito sa labas. Katwiran niya, wala namang maganakaw sa lugar nila, at wala din namang mananakaw sa bahay niya. Parang malakas yata ang naging tama sa kanya ng dami ng alak na nainom nya. Sinabayan pa ng sakit ng ulo. Waring gutom na gutom na ang kanyang katawan sa pahinga kung kaya't dali dali na siyang pumasok. Sa loob, bakas sa bahay ni Elmer ang pagka aliwalas at pagka malinis sa bahay ng nakatira. Di ito kalakihan at di gaano karami ang gamit. Mula sa pinto, mabubungaran mo na ang sala. Humarap ka lang sa kaliwa, nasa kwarto ka na. Humarap ka naman sa kanan ay nandun ang kusina. Samakatuwid, wala itong mga dibisyon. Nakalimutan nga lang nyang unahin ang banyo kung kaya't wala syang banyo. Di na kasi kinaya ng budget at naubusan ng materyales at ito ngayon ang kanya ngayong pinagiipunan. Dahil din dito ay namumuhay siyang parang pusa. Malawak naman daw kasi ang sagingan sa likod ng bahay. Di na nag-atubili pa si Elmer. Agad niyang tinungo ang kwarto, ilang hakbang lang mula sa pinto. Gaya ng kanyang nakaugalian gabi gabi bago matulog ay nagja jumping jack sya (literal na jumping jack. wag madumi ang isip. -_-) . bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkadismaya sa mga pangyayari nang gabing iyon. Halos naluluha siya habang nagja jumping jack. Pagod na pagod na sya at nais na nyang mahiga pero di buo ang araw niya pag di niya ito nagagawa dahil naging ritwal na niya ito bago matulog sa gabi upang maging mahimbing ang pagtulog. Habang nagja jumping jack ay biglang sumagi sa kanyang isipan ang isang napakahalagang bagay na dapat ay ginawa niya nang araw na iyon. Nakalimutan niyang daanan sa bahay ng labandera niyang si Mimay ang mga pinalabhan niya. Wala na sya halos matinong maisusuot para kinabukasan. Ang dami pang sumagi sa isip niya habang nagja jumping jack. Di na niya namalayan ang paglipas ng oras.

    Naputol na lang ang ginagawa niyang ito nang makarinig siya ng tilaok ng manok.

    "Bwisit naman talaga! Alas kwatro na pala!"

    Wala na siyang oras para matulog. Kailangan pa niyang maligo, magluto ng almusal, maghanda ng babaunin. at paliguan si Muning. Babyahe pa sya kung kaya't gahol na gahol na sya sa oras. Napagpasyahan na lang ni Elmer na mamayang gabi na lang matulog pagkauwi. Nagpalit na siya ng pang itaas. Huhubarin na sana niya ang kanyang shorts upang maisuot ang kanyang pyjama nang maramdaman niyang parang gumaan ito..

    Nawawala ang kanyang wallet!

    Dali- dali siyang nagbihis ulit at tumakbo sa labas. Binaybay niya lahat ng naalala niyang dinaanan niya. Hanggang makarating siya sa isang sulok ng kalsada malapit sa lugar kung saan niya nakasalubong at binilhan ang matandang nagtitinda ng balot. Ang tanging lugar ng kalsada na di gaanong natatamaan ng liwanag. Ginalugad niya bawat sulok. Sa paghahanap niya habang nakatuon ang paningin sa kalsada ay may gumulong na puting bagay mula sa itaas ng kanto ng maliit na eskenita isang hakbang lang ang layo sa kinatatayuan niya. Marahan niya itong nilapitan upang suriin habang panay ang sulyap sa direkyon ng pinagmulan nito. Itlog pala yung gumulong pababa. Mainit init pa ito nang kanyang hawakan. Kumalam na naman ang kanyang sikmura. Wala namang nakakakita, kaya naisip niyang buksan na rin ito para kainin. Napansin niyang may nakasulat sa gilid nito. Iniikot niya at nabasa ang mga katagang

    "sori na beh. uwi ka na, di na ako galit".

    Napailing na lang siya habang nakangising aso sabay sabi sa sarili..

    "ang corny!"

    sabay ismid.

    Unti unti niyang binabalatan ang itlog nang mula sa itaas ng eskenita ay may gumulong na isa pa pababa na sinundan naman ng supot na kinuyumos ngunit pabato naman itong papalapit at tatama sa noo nya. Tila bumagal ang oras habang lumilipad papunta sa kanya ang supot na kinuyumos. Nanlaki ang kanyang mga mata nang may biglang sumaging ideya sa kanyang isipan tungkol sa kung ano ang dalawang itlog na gumulong pababa mula sa itaas ng madalim na eskinita at supot na kinuyumos na heto na nga at palipad sa kanyang direksyon, direkta sa kanyang noo. Ito yung supot na lalagyan ng binili nyang balot na penoy pala! May laman itong bola ng bilyar at napakalakas ng pwersa ng pagkakabato sa kanya, dahilan para sya ay mabuwal pabagsak sa kalsada, una ang pwet..

    Binato pala siya ni Mimay ng hair dryer..

    Si Mimay na kasamahan niya sa parlor..

    May magpapagupit kasi. Kanina pa pala kasi siya nakatulog sa kakahintay ng customer. Nairita na lang si Mimay dahil biglang buhos ng tao. Kanina pa sya sinisigawan ngunit di sya nagigising.


    Panaginip lang pala ang lahat..


    Di totoong isa syang mekaniko dahil isa syang hair dresser...

    Di rin labandera si Mimay dahil isa din ito sa mga beautician sa pinapasukan nyang parlor...

    At higit sa lahat....




    Wala syang dating kasintahan dahil isa syang ganap na bakla. WAKAS.
     
Tags / Keywords: