1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia uray o kulitis

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang uray o kulitis ay isang maliit lamang na halaman na karaniwang tumutubo sa mga bakanteng lote at mga gilid ng kalsada. Ang mga sanga ay napapalibutan ng maliliit na tinik, ang mga dahon ay patulis at bilugan. Ang mga bulaklak naman ay maliliit at kumpo-kumpol, habang ang mga buto ay maliliit at kulay itim. Ang mga dahon nito ay kinakain bilang gulay sa ilang mga lugar.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA URAY(PIGWEED)?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang uray ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang mga dahon ay may taglay na anthraquinone derivatives, cardiac glycosides at saponins.
    Taglay din ng halaman ang ilang mga kemikal gaya ng 7-p-coumaroyl apigenin 4-O-beta-D-glucopyranoside, spinoside, xylofuranoxyl uracil, beta-D-ribofuranosyl adenine, beta-sitosterol glucoside, hydroxycinnamates, quercetin at kaempferol glycosides, betalains, betaxanthin, betacyanin; amaranthine at isoamaranthine, gomphrenin, betanin, b-sitosterol, stigmasterol, linoleic acid, rutin at beta-carotene
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Ugat. Maaaring ilaga ang mga ugat ng uray upang magamit sa panggagamot. Maaari din itong patuyuin, pulbusin, at inilalagay sa kapsula.
    Dahon. Ang dahon ay ginagamit naman na pantapal sa ilang kondisyon sa balat. Ang pinaglagaan naman ng dahon ay maaaring inumin, ipangmumog o ipang hugas sa ilang karamdaman.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG URAY (PIGWEED)?
    1. Ubo. Mabisa ang pag-inom sa pinaglagaan ng halaman ng uray para sa kondisyon ng pag-uubo na hirap ilabas ang plema.
    2. Tulo o gonorrhea. Pinatutuyo ang dahon sa araw, dinudurog, at nilalagay sa kapsula upang inumin para magamot ang kondisyon ng tulo. Maaari ding ilaga ang ugat at ipainom sa may sakit.
    3. Eczema. Para sa kondisyon ng pamamaga ng balat o eczema, maaaring ipantapal ang dahon na bahagyang dinikdik sa apektadong balat.
    4. Sore throat. Mabisa para sa pananakit ng lalamunan ang pagmumumog gamit ang pinaglagaan ng dahon at ugat ng halamang uray.
    5. Sugat. Maaaring gamitin na panghugas naman sa mga sugat ang pinaglagaan ng dahon at ugat ng uray.
    6. Pagtatae. Ang pinaglagaan ng ugat ay magagamit para malunasan ang pagtatae na nararanasan.
     
  2. arfbig

    arfbig Eternal Poster Established

    salamat ts now ko lang na laman na uray pala yan...
     
Tags / Keywords: