1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutuli (Ear Wax): BAWAL gumamit ng COTTON Buds.

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Jan 25, 2016.

  1. Tutuli (Ear Wax): BAWAL gumamit ng COTTON Buds.
    Baka Mabutas ang Ear Drum



    "Para sa baradong tainga, mas LIGTAS na kumonsulta sa isang ENT (Ear, Nose and Throat) specialist. Wala pong Short cut. Delikado kung gagalawin ninyo. MARAMI ang NABINGI at nabutas ang ear drum sa pagkalikot. HUWAG galawin o kalikutin ang tainga. Mag-ipon ng budget at KUMONSULTA sa ENT doctor. Sa government hospital, LIBRE and ENT consult. God bless."

    Huwag maglagay ng cotton buds o toothpick sa loob ng iyong tainga. Kung gustong maglinis ng tainga, hanggang bimpo lang ang puwedeng gamitin.

    Anong gagawin sa tutuli?
    May 2 klase ng tutuli ang tao. Ang una ay iyung tuyo at maputing tutuli. Ang pangalawa ay iyung basa at madilaw na tutuli.

    Ang trabaho ng tutuli ay para protektahan ang ating eardrum sa dumi. Hinaharang ng tutuli ang mga duming pumasok sa ating tainga, at unti-unti itong lalabas ng kusa sa tainga. Dahil dito, hindi naman talaga kailangan nang maglinis ng tainga.

    Kung mangyari na bumara ang iyong tutuli, medyo mabibingi ka. Huwag gumamit ng cotton buds at baka lalong pumasok ang tutuli sa loob ng tainga. Ang delikado pa dito ay baka mabutas mo ang iyong ear drum. Tandaan: Ang butas na ear drum ay maaaring hindi na maghilom. Mabibingi at magkakaluga pa ang iyong tainga.

    Paano ginagamot ang baradong tutuli?
    Una sa lahat, kumonsulta sa isang ENT (Ear, Nose and Throat) specialist.

    1. Puwedeng magpatak ng mineral oil o baby oil sa apektadong tainga. Kung may pera, puwedeng bumili ng Docusate sodium ear drops na pinapatak sa tainga. (Tandaan: Huwag gawin ito kung may tsansa na butas ang iyong eardrum.)
    2. Humiga sa iyong tagiliran ng 20 minutos para manuot ang likido sa tumigas na tutuli.
    3. Gawin ito 2 beses sa maghapon hanggang 3 araw. Hantayin na matanggal ang tutuli ng kusa.

    Dagdag payo para maprotektahan ang tainga:
    1. Hinaan ang volume ng iPod, radyo o stereo.
    2. Huwag lumapit sa speaker sa concert.
    3. Takpan ang tainga kung maingay ang lugar.
    4. Huwag maligo sa dagat at maduming swimming pool.
    5. Bimpo lang ang puwedeng panlinis ng tainga.
    !
     
  2. reygun1977

    reygun1977 Journeyman Established

    Ugali ko pa naman,nag tutuli ng nabibili sa palengke na Plastic na parang KUTSARA...ty sa info TS
     
  3. thank you po sa share
     
  4. welcome po bossing
     
  5. pokz5

    pokz5 Forum Veteran Established

    salamat po sa info ts..:D
     
  6. black_hulk

    black_hulk Addict Established

    Ugali ko pa naman magkalikot ng tenga ko. Salamat po
     
  7. Capschu08

    Capschu08 Journeyman Established

    Salamat sa tip bossing
     
  8. queencee

    queencee Forum Expert Established

    Thanks for sharing this:)
     
Tags / Keywords: