1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia tsampaka

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang tsampaka ay isang maliit na puno na kilala sa pagkakaroon ng mahalimuyak at manilaw-nilaw o kulay kahel na bulaklak. Ito ay may makinis na balat ng kahoy, malapad ngunit pahaba at patulis na dahon, at bunga na maliliit at bilog-bilog. Karaniwan itong tinatanim bilang ornamental na halaman.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TSAMPAKA?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tsampaka ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang halaman ay makukuhanan ng volatile oil na may taglay na cineol, iso-eugenol, benzoic acid, benzyl alcohol, benzaldehyde, at p-cresol methyl ether. Mayroon din itong alkaloids
    Ang balat ng kahoy ay mayroong fixed oil, resin, tannin, mucilage, starch at sugar.
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Ang dahon ay karaniwang nilalaga at pinapainom sa taong may karamdaman. Maaari din itong dikdikin, ihalo sa langis, at ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan o kaya naman ay kuhanan ng katas at ihalo sa pulot bago inumin.
    Balat ng kahoy. Karaniwan ding nilalaga ang balat ng kahoy upang mainom at makagamot sa ilang mga sakit.
    Ugat. Maaari ding ilaga ang ugat ng tsampaka upang mainom.
    Bulaklak. Ang bulaklak ay maaari ding ilaga at inumin, o kaya’y durugin at ipantapal.
    ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TSAMPAKA?
    1. Pamamanas sa katawan. Ang ilang pamamanas sa ilang bahagi ng katawan ay maaaring tapalan ng dahon ng tsampaka.
    2. Bulate sa sikmura. Ang katas ng dahon ay mabisang pampurga sa bulate sa tiyan. Ito ay iniinom lamang kasabay ng isang baso ng tubig.
    3. Kabag. Hinahalo naman sa pulot ang katas ng dahon ng tsampaka bago inumin upang maibsan ang pananakti ng tiyan dahil sa kabag.
    4. Rayuma. Matutulungan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ang kondsiyon ng rayuma. Maaari ding tadtadin ang dahon at ihalo sa langis upang magamit na pampahid sa bahagi ng katawan na nanakit dahil sa rayuma. Ang pagpapahid gamit ang dinurog na bulaklak na hinalo sa langis ay makatutulong din sa kondisyon ng rayuma.
    5. Sore throat. Ginagamit pa rin ang pinaglagaan ng dahon ng tsampaka para gamutin ang kondisyon ng sore throat sa pamamagitan ng pag-inom dito.
    6. Lagnat. Maaaring mapababa ang lagnat sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng tsampaka.
    7. Iregular na pagreregla. Iniinuman naman ng pinaglagaan ng ugat ng tsampaka ang kondisyon ng iregular na dalaw sa mga kababaihan.
    8. Impatso. Maaaring maibsan din ang kondisyon ng impatso sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng mabangong bulaklak ng tsampaka.
     
  2. arfbig

    arfbig Eternal Poster Established

    salamat talaga sa share boss....
     
Tags / Keywords: