1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia TSAANG GUBAT

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang TSAANG GUBAT ay isang maliit na halaman na may matigas na mga sanga at mga dahon na naka-kumpol kung tumubo. May bunga na maliliit at hugis bilog at kulay pula kung hinog. Karaniwang tumutubo sa mga lugar sa hilagang Luzon, partikular sa mga isla ng Batanes. Ang mga dahon nito ay karaniwang ginagawang inuming tsaa.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TSAANG GUBAT?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tsaang gubat ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Taglay ng halaman ang alkaloids, flavonoids, glycosides, tannins, terpenoids, at saponins.
    Ang dahon ay mayroon ding triterpenes, namely a-amyrin, b-amyrin, at baurenol
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Ang dahon ang karaniwang ginagamit na bahagi ng halaman sa panggagamot. Ito’y karaniwang nilalaga at iniinom bilang tsaa.
    Ugat. Ang ugat ay maaari ding ilaga upang mainom at makagamot.
    ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TSAANG GUBAT?
    1. Ubo. Makatutulong ang pag-inom sa tsaa ng halamang ito sa pagpapahupa ng tuloy-tuloy na pag-uubo.
    2. Pagtatae. Mabisa rin para sa kondisyon ng pagtatae ang pag-inom sa tsaa ng tsaang gubat. Maaaring tadtarin ang sariwang dahon at saka ilaga sa kumukulong tubig, iniinom ito ng 2 hanggang 3 beses sa isang araw upang mawala ang sintomas ng pagtatae.
    3. Pagkakalason mula sa halaman. Maaaring ipainom sa taong nalason ng kinaing halaman ang pinaglagaan ng ugat ng tsaang gubat.
    4. Diabetes. Dapat inumin nang regular ang pinaglagaan ng dahon at ugat ng tsaang gubat upang makontrol ang lebel ng asukal sa dugo sa taong may sakit na diabetes.
    5. Pananakit sa sikmura. Mahusay din na panglunas sa kondisyon ng pananakit sa sikmura ang palagiang pag-inom sa tsaa ng tsaang gubat.
     
    zegen likes this.
Tags / Keywords: