1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Translate letter

Discussion in 'Gags & Jokes' started by soulless, Feb 9, 2013.

  1. soulless

    soulless Eternal Poster Established

    PEDRO: Pareng JUAN,
    pakitranslate naman itong sulat
    galing kay Samantha, penpal ko
    sa US. Hindi ko maintindihan
    yung sulat, english kase.
    Pakitranslate lang. Babasahin ko
    na.
    JUAN: OK. Walang problema!
    PEDRO: My dearest PEDRO
    JUAN: Ikaw yun.
    PEDRO: Oo ako yun. How I long
    for your arms.
    JUAN: Pano daw humaba yung
    braso mo?
    PEDRO: Hindi naman mahaba
    yung braso ko.
    JUAN: Eh hindi ko alam, yun
    yung tanong nya.
    PEDRO: The first time I saw your
    picture, I felt happy.
    JUAN: Nilagare daw nya yung
    litrato mo. Natuwa daw sya
    nung nilagare nya.
    PEDRO: Baket naman? You have
    beautiful eyes.
    JUAN: Pangbabae daw yung
    mata mo. Ayaw siguro sa
    pangbabaeng mata kaya nya
    nilagare.
    PEDRO: Eh bat kailangan pang
    lagariin? Pwede namang
    guntingin nalang. I lost your
    picture last week.
    JUAN: Winala daw nya yung
    picture.
    PEDRO: Sana sinoli nalang nya!
    But i felt glad when i saw it
    again.
    JUAN: Natuwa daw sya nung
    nilagare nya ulit yung picture.
    PEDRO: Akala ko ba winala nya?
    JUAN: Oo nga. Hindi ko din alam.
    PEDRO: Even though you wrote
    me in Filipino, and I didn’t
    understand your letter, I
    appreciate the thought.
    JUAN: Kahit Filipino ka daw at
    hindi sya marunong magbasa,
    natutuwa sya na nag-iisip ka.
    PEDRO: Hindi sya marunong
    magbasa? Tingin nya sa mga
    Pilipino, hindi nag-iisip?
    JUAN: Siguro.
    PEDRO: I hope you can send me
    more pictures.
    JUAN: Padalahan mo daw sya ng
    litrato ng sigarilyo.
    PEDRO: Baket?
    JUAN: Ewan ko. Yung “More”
    daw.
    PEDRO: Pwede naman ang
    champion bakit More pa! I’m
    sure you won’t mind?
    JUAN: Sigurado daw syang hindi
    ka nag-iisip. May smile pa.
    PEDRO: Loko pala yan ‘e!
    JUAN: Oo nga.
    PEDRO: Pards, paki sulatan nga.
    Sabihin mo lang na hindi ko na
    babasahin ang mga sulat nya, At
    hindi na din ako magsusulat sa
    kanya! At paalam na sa kanya!
    JUAN: Sige sige… Eto na tapos
    na!!!! (“Dear Samantha, I am no
    read, no write.”)
     
  2. Draft

    Draft Administrator Staff Member Administrator

    Dear Samantha, I am no
    read, no write. :ROFLMAO:
     
    G Flum and soulless like this.
  3. soulless

    soulless Eternal Poster Established

    tawa ng tawa din ako nito habang nag babasa. . .:D
     
  4. sakit ng tiyan ko dito..hahaha ..hirap maka get over..maluha luha pa hahaha galing ng translator hahaha :ROFLMAO:
     
    soulless likes this.
  5. (“Dear Samantha, I am no read, no write.”) Tawang-tawa ako dito kahit tagal ng naka-post. Iba talaga ang humor ng Pinoy. :ROFLMAO:
     
    soulless likes this.
  6. hanep, mag aaral ni google translate si juan
     
    soulless likes this.
  7. love it!! Brad dame tawa
     
    _HopeLess_ and soulless like this.
  8. lupit ng translator hehehe :ROFLMAO: boom panes!
     
    soulless likes this.
  9. tsok111

    tsok111 Eternal Poster Established

    hahaha patay na..
     
    soulless likes this.
  10. pag ganito translator mo wla na.. imbis na maka score ka. natapon pa..hehehe
     
    soulless likes this.
  11. Lawliet_1

    Lawliet_1 Support Team Staff Member Support Team

  12. imbaustic

    imbaustic Forum Guru Established

    may katulad na akong nabasa. wahahahaha.
     
    soulless likes this.
  13. soulless

    soulless Eternal Poster Established

  14. G Flum

    G Flum PHC Master Established

    Hahahahaha lakas ng tawa ko dito :hilarious:
     
    soulless likes this.
  15. jhulz6

    jhulz6 Addict Established

    Napaihi ako sa kakatawa sa letter,,,,,:ROFLMAO:
    More,,more,,,
     
    soulless likes this.
  16. Asteeeeg . HaHa .
     
    soulless likes this.
  17. jenny26

    jenny26 Honorary Poster Established

Tags / Keywords: