1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

TOMATO C. LUYA

Discussion in 'Off-Topic' started by natasu, Jun 29, 2016.

  1. natasu

    natasu Journeyman Established

    Matagal-tagal na rin akong nagtuturo sa college, may 6 years na rin akong nagtuturo ng basic at operations research
    sa mga batang ito.
    Masaya naman magturo. Pero sa isang banda mahirap din. Dahil kung ano man ang sasabihin at ituro
    mo sa kanila ano man iyon, tiyak tatatak sa isipan nila.

    Enrolment-graduation. Enrolment-graduation. Cycle na hindi maiiwasan sa mundo ng paaralan.
    Kahit gaano mo ka-mahal ang section na yon gagraduate at gagraduate din ang kabataang hinubog ko sa larangan ng secular ng edukasyon.

    Oh! Sige class, once
    I've called your name kindly introduce yourself. Iyan ang gawain ko tuwing first day ng klase.
    LUYA, TOMATO C., muntik na akong matawa sa name na iyon. Yan ang unang mapalad na pangalan na nabunot ko sa sem na ito.

    Tumawa ang buong klase, pero syempre i need to be professional first day eh.


    Queit class.!!

    So how are you Mr. Luya? Come here in front and introduce yourself please,
    habang papalapit sya sa harap, lalong lumalakas ang tawanan at bulung bulungan.
    Ako si TOMATO C. LUYA. Tawagin nyo na lang ako sa pangalan na gusto nyo, 3rd year irregular student.
    Isang malaking ngiti at matatas na salita. Pilit na kumukuha ng confidence kahit halatang nahihiya.

    Huy kuya! Kulang na lang mag-gisa ka ah. Ano middle name mo? C? As in C-buyas?

    Isang malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong kwarto.

    Hindi.

    C as in Cili.
    Seryoso nyang sagot.
    Pinakamalakas na tawanan sa araw na iyon. Sa section ni Luya. Nagsimula na ang semester.

    Nakilala ko agad si Luya. Dahil sa kakaiba nyang pangalan.
    Average student i should say. Hindi sya matalino. Hndi naman sa
    wala syang alam.

    Academically chalenged ang tamang term.

    Pero ang napansin ko sa kanya malalim syang tao. Minsan kasi may pag ka judgemental ako.
    Kaya kong sukatin kung ano ang kakayahan mo, pero dapat ko munang alamin kung ano ang pangalan mo. First step kumbaga.
    Kadalasan, tayo ang gumagawa ng impression sa sarili nating pangalan. Kung paano tayo matatandaan at kung paano
    tayo maalala. Hindi iyon nakabase kung gaano kaganda at ka unique sa pangalang binigay ng mga magulang mo.
    Kung nakabase yun sa kung ano ang mga ginawa mo na pwdeng iugnay sa pangalan mo


    Nakakatawa kase minsan ang tao nanghuhusga sa kung ano lang yung nakikita ng ating mga mata. Madalas na nagbibigay agad tayo
    ng kongklusyon sa isang bagay kahit na hndi naman natin alam ang buong pangyayari.

    Madalas mag isa si Luya.
    Pag may mga groupings lagi siyang naiiwan. Hindi ko alam pero approachable naman syang tao. Pero dahl nga siguro Irregular sya,
    hindi sya gaanong malapit sa classmates nya.

    kung isa kang bagay ano ka?

    Tanong ko sa klase habang nag didiscuss kami ng isang topic.

    O sige bubunot ako sa class cards nyo.

    Luya Tomato C.
    Oh panu ba yan? Please do answer my question.

    Dahon Sir!.
    Mablis nyang sagot.
    Bakit dahon?
    Simple at pangkaraniwan sir. Pero each of them has uniqueness inside. Parang ako, simple at pangkaraniwan pero unique ako sa tingin ko.
    Tulad ng dahon sir, usually it simply fades. Ngaun nandito, sa mga susunod na bukas, wala na.
    Nahuhulog lang sila sa lupa nagiging pataba pero one thing is for sure, may tutubong dahon ulit.
    Magbibigay sila ng lilim pwede ding maging herbal medicine.
    Simple at pangkaraniwan.
    Pero may pakinabang.


    Dahon ako sir, nahuhulog sa lupa, may failures. Marami akong failures sa buhay.
    Pero yung failures na yun ang nagiging pataba sa mga ugat ng puno ko. Sa kinakapitan kong sanga para tumubo ulit akong isang malusog na dahon.
    Nag mamatured. As long as may ugat ang puno ko, may sanga ako. At habang may sanga, tutubo ako bilang dahon.

    Malusog na dahon. Yun yung mga pamantayan ko sa buhay sir, yun ang ugat ko. Nanatili akong malusog dahil sa puno at sanga ko.
    yun ay ang pamilya ko at mga kaibigan na nagtitiwala sa akin at kinakaptan ko. Kapag nanatili akong malusog,
    makapag bibigay ako ng lilim hindi lang sa sanga at puno ko, kundi sa iba na makikisilong sa ilalim ng lilim ng dahon.


    Wala akong nasabi.
    Sa lahat ng sinabi nya, sang-ayon ako. Napatunayan ko na malalim siyang tao. May mga pamantayan na sinusunod.
    May prinsipyo. Oo nga naman lahat tyo may mga failures pero lahat tayo may kakayahan ulit na tumubo at magmatured dahil
    sa mga failure na yun.
    Hindi sya matalino academically, pero matalino sya sa ibang aspeto. Nung una gusto ko syang husgahan,husgahan sa kakarampot nyang kakayahan.

    Pero ng narinig ko ang mga salita nyang iyun, napahiya ako sa sarili ko. Sino ba ako para mang husga?
    Sino ako para sumukat ng kakayahan ng isa?
    Natutunan ko na hindi dapat husgahan ang isang tao batay sa sarili mong pamantayan, lalo pa kung ang taong yun ay rumirispeto sa iyo ng husto, na hindi kayang pantayan ng sinu man.
    Si Luya na may kakatwang pangalan. Nag iwan ng marka sa aking isipan. Hindi ko alam bkit ganun ang ipinangalan sa kanya pero nakagawa siya ng mabuting pangalan para sa akin..
    Dumaan ang mga panahon, patuloy pa rin ang siklo ng paaralan. Enrolment-graduation.
    Enrolment-graduation nanatili pa rin akong simpleng college professor na naghuhubog sa mga kabataang estudyante na maging matagumpay sa larangan ng industriya.
    Nag huhubog ng mga pangalan na sa malaon ay may malaking papel na gagampanan. Magiging pride ng skul o magiging kahihiyan.

    Isang tag-init na umaga, pagpasok ko sa kinasanayang gate ng unibersidad, nasilayan ko ang nagkalat na kulay lupang dahon sa paligid na pilit na winawalis ng janitor sa daan.
    Umupo sa nakasanayan kong mesa sa loob ng dekada at magbasa ng dyaryo online.
    Nabasa ko ang inspirational quote ng isang featured CEO ng pinaka malaking kompanya sa Car Industry.

    "Maybe the last leaf will fall, but the spring will come and bloom the leaves of it all" napatayo aq at napatingin sa labas, napangiti at lubhang namangha. Naalala q ang DAHON na naging estudyante q maraming taon na ang lumipas. Dahil ang nasbi ng mga salita na un na nbasa q kanina sa net. "May be the last leaf may fall, but the sping will come and bloom the leaves out of it all"

    -TOMATO C. LUYA , PRESIDENT, CEO , LUYA GROUP OF COMPANIES
    ..isang kakatuwa, pero magandang pangalan
     
    Silent_shutter likes this.
  2. natasu

    natasu Journeyman Established

    walang nag like huhu bels
     
  3. Mahaba pro wothit basahin. Salamat sa inspirational story.
     
    natasu likes this.
  4. natasu

    natasu Journeyman Established

Tags / Keywords: