1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tinta ng akda

Discussion in 'Quotes & Poems' started by Mister M, Oct 30, 2014.

  1. Mister M

    Mister M PHC Master Established

    Saksi ang liwanag ng buwan sa madilim na gabi

    Iniluwal ang damdaming matagal nang ikinukubli

    Dalawang pusong pinaglayo at nasawi

    Nagsanib upang ang pag-ibig ay madama muli

    at itong obra ay mahabi..



    Kapag ang MAKATA at MATEMATIKA ay nagsama

    Ihahayag ang...






    TINTA ng AKDA



    Sa pag-inog ng mundo panaho'y matuling lumipas

    Di namalayang nalimot na ang pluma at tinta niyang hiyas

    Sa saliw ng iyong paglayo ay itinapon

    Magigiliw na tatak ng kahapon.



    Kahapong kaysarap balikan

    Animo bituing naglipana sa kalawakan

    Isang iglap mawawala ng tuluyan

    Tila bulalakaw lamang na napadaan.



    Ika'y nariyan lang, O giliw ngunit bakit tila kaylayo?

    Ang sa aki'y dating laan mong puso sa kanya inialay ng buo

    Tumingala... Nanahimik... Tinanggap.

    Ikaw at Ako ay mananatili na lamang isang pangarap.



    Sinukat... Tinimbang...



    Detalye ng bawat kahapong sinalaysay

    Natagpuan ang distansyang sa atin ay nag-uugnay

    Ang milya-milyang pangarap na minsa'y itinapon

    Ngayo'y abot-kamay at 'di na nanaising sa limot ay ibaon.



    Lumipas ang maraming tao'y binalikan ng tadhana

    Ang luha't pangungulila mistulang humalimuyak at sumigla

    Heto't nariyan ka muling pinupukaw ang damdamin ng isa't isa

    At ngayon, kasama ang nagtatagisang mga letra

    Iluluwang muli ang matamis na makata.



    Dalawang pusong tila tuldok na pinaglayo man

    Pagdudugtungin ng linyang tinatawag na Pag-iibigan

    Sabilog at malupit na mundong ginagalawan

    Muling isusulat ng plumang pinaglipasan

    Kabanata ng Bagong Pagmamahalan.


    Nakita ko lang ito sana magustohan niyo:
    Credit to: Please or Register to view links
     
    Lift likes this.
  2. Lift

    Lift Support Team Staff Member Support Team

    pwede to sa linggo ng wika hehehe
     
    Ma3 likes this.
  3. Mister M

    Mister M PHC Master Established

    ou ang ganda ng pag ka gawa eh kaya na post ko dito :D
     
Tags / Keywords: