1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Test paper

Discussion in 'Stories, Fiction & Essays' started by Amphie88, Nov 6, 2014.

  1. Pasimple kong sinipa ang ibabang bahagi ng upuan ni Alex. Tumingin lang sya tapos bumalik ulit sa paghagikhik. Medyo lumakas nga lang ng kaunti nang malaman nyang apektado ako. Kung hindi lang si Mrs. Ramirez yung teacher namin sa harapan malamang tumayo na ko't binatukan sya.

    Alam kong ako at si Carla ang nilalaman ng malabnaw nyang utak. Nagsisisi tuloy ako't nabanggit ko pa sa kanya kanina na medyo umiibig na ko kay Carla. Natatakot lamang ako umamin dahil alam kong may kahabaan ang pila ng kanyang manliligaw, at alam ko rin na malayo sa katotohan ang mukha ko kung ikukumpara sa mga nagtangka. Natatawa nga ako kapag nakikita ko yung mga liham ko sa kanya tsaka yung tatlong pirasong roses na hanggang ngayon ay naka-display pa din sa aming sala.

    "Subukan mo, malay mo, type ka rin nya.." biro ni Alex sa canteen matapos kong ilahad sa kanya ang lahat,

    "tsaka halatang obvious naman e! Kapag nandyan sya para kang adik na puyat."

    "Loko! Wala namang adik na hindi puyat.. Pero seryoso, may pag-asa pa kaya ako?"

    "Siguro sa 100%, mayroon kang 30% dahil sa porma mong jologs, pero may pag-asa pa yung tumaas ng 10% kung lalagyan mo ng wax yang buhok mong 90's, tapos yung 65% ilaan nalang natin sa bathala ng mga bundok."

    "E, para saan yung 5% na natira?"

    "Ay! Hindi mo alam? Itinitira talaga yung 5% para sa friendship kung sakaling ma-basted ka. Pero malay mo yung 5% mag-boost pa kung gagalingan mo magpakopya sa exam.."
    Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kay Alex ko pa talaga nabanggit. Kahit siguro ang diyos ng mga duwende eh hindi maniniwalang may maitutulong sya. Siguro kailangan ko lang talaga ng lakas ng loob.

    Ang problema kung saan ko huhugutin yun. Nakisama na nga yung seating aranggement dahil sa harap ko lang sya nakaupo hindi pa din ako makahanap ng tyempo. Badtrip! Mas lalo na nang makita ko si Alex na doon inilagay ni Mrs. Ramirez sa tabi ni Carla para daw hindi mangopya.

    Tapos na yung exam. Palabas na sana ako ng kwarto nang isinigaw ni Mrs. Ramirez yung pangalan ko. Maiwan daw ako at si Carla. Kinabahan ako hindi dahil naroon si Carla, kundi sa 100 items, e 20 lang nasagutan ko, hindi ko pa alam kung may tumama.

    "Hijo," malumanay ang tinig ng matandang dalagang guro namin. Napatingin ako kay Carla. Walang reaksyon.

    "Sa susunod kung magtatapat ka sabihin mo nalang kay Carla o hindi kaya isulat mo nalang sa ibang papel. Huwag sa test paper nya, malinaw?"Malaki ang nakasulat sa likod ng test paper ni Carla..

    "Mahal kita! Mula ulo hanggang paa! Nagmamahal, Na'sa likod mo lang."

    Salarin si Alex, walang iba! Idedepensa ko sana ang sarili ko, kaso ngumiti si Carla sa akin.

    -Wakas
     
    brokenparadox likes this.