1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia TANGAN-TANGAN (CASTOR OIL PLANT)

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    TANGAN-TANGAN (CASTOR OIL PLANT)

    Ang tangan-tangan ay isang maliit na halaman na may dahong palapad na tila palad at maaaring kulay berde o mamula-mula. Ang bunga ay may tusok-tusok na balat at may buto na ginagamit sa paggawa ng langis. Karaniwang nakikitang nakatanim sa mga bakanteng lote sa maraming lugar sa Pilipinas.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TANGAN-TANGAN (CASTOR OIL PLANT)?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tangan-tangan ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang halaman ay may taglay na proteins, carbohydrates, phenols/tannins, flavonoids, saponins, glycosides, at steroids.
    Ang buto ay makukuhanan naman ng langis na may ricin, ricinin, ricinus lipase. Makukuhanan ito ng castor oil na kilalang ginagamit sa maraming paraan.
    Ang ugat ay may taglay naman na ricinolic acid
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Dahon. Karaniwang pinangtatapal ang buo o dinikdik na dahon para sa ilang karamdaman. Maaari din itong ilaga at ipainom sa may sakit.
    Balat ng kahoy. Ang balat ng kahoy ay maaaring ilaga o kaya’y ipantapal mismo sa ilang kondisyon sa katawan.
    Ugat. Karaniwan ding nilalaga ang ugat upang inumin at makagamot.
    Buto. Ang buto ay maaaring nguyain, dikdikin, o kuhanan ng langis upang maipampahid sa katawan.
    ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MATULUNGAN NG TANGAN-TANGAN (CASTOR OIL PLANT)?
    1. Pananakit ng ulo. Ang sariwang dahon ng tangan-tangan ay maaaring ipantapal sa noo at sentido upang maibsan ang pakiramdam ng pananakit ng ulo. May kaparehong bisa rin ang paglalagay ng dinurog na buto sa noo at sentido.
    2. Sugat. Maaaaring matulungan ng pagtatapal ng dinikdik na dahon o kaya’y balat ng kahoy ng tangan-tangan ang sugat na mahirap gumaling. Maaari ding ihalo sa gatas ang dahon bago ipantapal sa balat. Ang dinurog naman na buto ng halaman ay mabisa rin para sa mabilis na paghilom ng sugat.
    3. Rayuma. Ang dinurog na buto o dinikdik na dahon ng tangan-tangan ay maaaring ipantapal sa bahagi ng katawan na nananakit dahil sa rayuma. Mabisa din ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat, dahon, o buto ng halaman.
    4. Pagpapasuso ng gatas. Nakatutulong naman sa mas malakas na produksyon ng gatas ng nagpapasusong ina ang paglalagay ng dinikdik na dahon ng tangan-tangan sa paligid ng suso. Maaari ding ipangmasahe
    5. Pigsa. Mainam na pantapal naman sa balat na apektado ng pigsa ang dinikdik na dahon ng tangan-tangan.
    6. Hirap sa pagdumi. Maaaring ihalo sa inumin ang langis (castor oil) upang matulungan ang kondisyon ng pagtitibi.
    7. Kabag. Ang dahon na pinadaanan sa poy ay maaaring ipantapal sa tiyan na nananakit dahil sa kabag.
    8. Paso. Ang paso ay maaaring tapalan ng balat ng kahoy ng halaman upang maibsanang pananakit.
     
Tags / Keywords: