1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

"Takbo nitong buhay"

Discussion in 'Quotes & Poems' started by madpro, Jul 3, 2016.

  1. "Takbo nitong buhay"

    Nagtatanong, aking isipan
    Ba't ako'y pinahirapan
    Mulat sa mundo, puro kahirapan
    Yaman ba, di dapat masilayan

    Oo nga't ako'y mahirap lamang
    Bihirang kumpleto, kay daming kulang
    Dala ang sagisag ng aking himlayan
    Nawa'y maibsan, hirap na kinamulatan

    Binata ako, ngayon sa publiko
    Naglalakbay, sa paningin ng mga tao
    Laging may husga, sa mga mata
    Kailan ako, magiging malaya

    Kung iyo'y, mamarapatin
    Buong puso ko'y, iyong alipinin
    Handa ako maging kalakal mo
    O Diyos ko, maglilingkod sa iyo.


    ---RED---
     
Tags / Keywords: