1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

sweet hugot

Discussion in 'Off-Topic' started by Jeanh, Apr 23, 2016.

  1. Girl: Bakit ba karamihan sa mga lalaki, manloloko?
    Boy: Kasi karamihan sa mga babae, paasa.
    Girl: Bakit kasi hindi kayo marunong maghintay?
    Boy: Natatakot kasi kami na mawala pa kayo.
    Girl: Hindi naman kayo gumagawa ng effort.
    Boy: Gumagawa kami pero binabalewala nyo.
    Girl: Bakit parang lagi nalang kami ang mali?
    Boy: Dahil ang aarte nyo. Nirerelate nyo ang buhay nyo sa mga teleserye. Magising kayo sa realidad!
    Girl: Nagpapakatanga na nga kami para sa inyo tapos kayo 'tong nakukuha pang maghanap ng iba.
    Boy: Hindi kami naghahanap, nagkataon lang na kusa silang dumadating sa mga panahon na nagtatampo kayo sa walang kwentang bagay.
    Girl: Nagtatampo kami kasi gusto namin ng lambing.
    Boy: Nilalambing namin kayo pero puro kayo pakipot, pag galit kami, mas galit kayo.
    Girl: Syempre, babae kami. Intindihin nyo yun.
    Boy: Lalaki kami, intindihin nyo rin yung side namin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan namin kayo.
    Girl: Hindi nyo ba alam na araw-araw namin kayong iniiyakan? Pero anong ginagawa nyo? Sumasama sa barkada at nagpapakasaya na parang walang pakialam.
    Boy: Wala kasi kayong alam. Pag nasasaktan kayo, mas nasasaktan kami lalo na pag kami ang dahilan nun. Hindi na namin kailangan pang ipakita ang luha namin sa inyo dahil nakakabakla yon. Sa barkada lang namin nailalabas ang mga bagay na yon.
    Girl: Bakit kasi natatakot kayong ipakita 'yang luha nyo?
    Boy: Ayaw kasi naming maging mahina sa paningin nyo. Yun kasi ang gusto nyo diba? Yung lalaking matapang. Kaya minsan, hindi na rin namin naipapakita yung totoong kami dahil mahal namin kayo.
    Girl: Mahal nyo kami? Bakit hindi nyo maiparamdam?
    Boy: Ayaw nyo kasing paniwalaan.
    Girl: Kasi hindi nyo pinapatunayan.
    Boy: Gusto mo patunayan ko?
    Girl: Oo.
    Boy: Pumikit ka.
    (Pumikit yung girl. Niyakap sya ni Boy at hinalikan sa noo. Sabay bulong..)
    Boy: Pakasal na tayo.. -
    *-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
    Un ohhhh.
    Ang sweet!!!!!
     
Tags / Keywords: