1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Sulat kay maria

Discussion in 'Quotes & Poems' started by thereal_slimshady, Jul 23, 2016.

  1. SULAT
    Liham ng Mr. sa Kanyang Misis:
    Maria.
    Gusto kong sabihin sa iyung nagpakalayo-layo na ako. Kagabi nuong umuwi ka ay di mo man lang pinansin ang niluto kong adobong baboy, ni di mo pinansin na ako ay bagong gupit o nabigyang pansin man lang ang aking bagong boxer brief. Ni hindi mo nasabing bigla ka na lamang palang nag-resign sa trabaho kahapon... maigi na lamang at naibida sa akin ng ating kumare.... sapat ng dahilan yan upang malaman kong hindi mo na ako mahal kung kaya't ako ay nagpakalayo-layo na. Isinama ko na ang iyong nakababatang kapatid na si Carla. Huwag kang mabibigla may katagalan na din ang aming relasyon. Paalam.
    Sagot na Liham naman ni Miisis kay Mister:
    Arnulfo,
    Kung di ko man napansin ang iyung gupit iyun ay sa kadahilanang ang turo sa akin ng aking nanay "Kung wala ka rin lang masasabing maganda huwag ka ng magsalita" dahil sa ang gupit mo ay nuno ng sagwa, para kang artistang si Balot. Pangalawa tungkol sa iyung boxer brief nakita ko yun at di mo pa nga nagupit ang tag na 999 pesos. Nagduda kasi ako nuong umaga humingi sa akin ang aking kapatid na si Carla ng 1000 pesos at may reregaluhan daw siya. Pangatlo kung di ako nagkakamali alam mong 3 taon na akong hindi kumakain ng baboy dahil payo yan sa akin ng aking duktor at ang huli, nagresign ako sa trabaho dahill tumama ako ng Lotto ng 150 Million na isosorpresa ko sana sa iyo at nakahanda na nga ang ating Around the World Tour pero lumayas ka na pala bitbit ang aking kapatid.
    Sabi ng abugado ko sapat na ang laman ng sulat mo para wala kang makaparti sa ating mga ari-arian at sa premyo ko sa Lotto.
    Paalam na din sa iyo at inaantay ko pa ang pina deliver kong Mercedes Benz at Mustang.
    Maria.
    P.S.
    Huwag ka nga pala ding mabibigla ang kapatid ko palang si Carla, dating pangalan niyan ay Carlo.
     
  2. marvonissa

    marvonissa Enthusiast Established

  3. jackrenz3

    jackrenz3 Enthusiast Established

    galing nito TS gumanda yung gising ko xD
     
Tags / Keywords: