1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Stretch mark, ano ito?

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by aregee, Mar 21, 2016.

  1. [​IMG]

    Medically, kilala ang stretch mark sa tawag na "striae gravidarum". Sanhi ito ng excessive stretching ng balat. Ang pagbubuntis, biglaang pagdagdag o bawas ng timbang at puberty ay ang usual causes ng stretch marks.

    Tatlo ang layers ng ating balat: ang epidermis (outer layer), dermis (middle layer), at ang subcutaneous stratum (innermost layer). Nangyayari ang stretch marks sa dermis, ang elastic middle layer na tumutulong sa skin upang manatili itong in shape. Kapag constantly na nabanat ang dermis over time, ang balat ay nagiging less elastic at ang small connective fibers na narito ay nasisira. Ang resulta ay tinatawag na stretch marks.

    Sinong affected nito?

    Halos kalahati na expectant women at teenagers ay maaaring magkaroon ng stretch marks. Ang mga pregnant women ay nagsisimulang ma-develop ang marks sa abdomen sa second half ng kanilang pagbubuntis dahil nababanat ang balat para ma-accommodate ang lumalaking sanggol. Ang reddish-brown pigmentation sa marks ay gradually na nawawala, ang stretch marks o 'striae" ay nagsisimulang maghitsurang shiny silvery lines ng scar tissue.

    Kung ang iyong timbang ay hindi nagbabago, hindi ka magkakaroon ng stretch marks. Pero kung ang timbang mo ay pabago-bago (biglang taba o payat), magkakaroon ka nito.

    Paano ito maiiwasan o matatanggal?

    - Masahihin ang balat, pwedeng gamitan ng lotion. Makakatulong ito para ma-improve ang circulation.

    - Maglagay ng moisturizing cream sa affected area araw-araw upang maging malambot ang balat.

    - Depende sa area ng scar tissue, exfoliation may be helpful. Ang pagtanggal ng layers ng dead skin and unveiling soft, fresh skin ay makakatulong upang mabawasan ang appearance ng stretch marks.

    - Be sure na naglagay ng maraming moisturizer upang maging soft at hydrated ang skin after exfoliation.

    - Kumain ng maraming pagkain na mataas sa vitamin C at E, zinc at silica.

    - Para sa severe stretch marks, ang skin peels o laser treatment ay maaari sa iyo. Mahal ang ganitong service at medyo masakit.
     
  2. borugs

    borugs Eternal Poster Established

    ito po ba ung kamot kung tawagin ng iba?
     
  3. I know na hindi na talaga totally matatanggal stretch marks pero I've been trying out a lot of creams and lotions para somehow medyo mawala. I've tried Gly Derm and so far okay sya sakin. I've tried out other creams sa Watsons na mas mura pero wala talaga effect.
     
Tags / Keywords: