1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Food and Recipe SPAM SISIG & Corned Beef Sisig

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Yours, May 14, 2016.

  1. One day ... isang araw naghahanap ako ng nai-ibang paraan para lutuin ang SPAM ... marami na pong putahe gamit ang spam basta pwede itong alternatibo o substitute kung wala tayong karne at puro de lata lang. Kapareho po ang pagluluto nito sa Salmon Fish Fillet, binawasan ko po ang toyo, easy lang po tayo sa soy sauce at sa asin dahil maaalat na po sila by itself, kayo na po ang bahalang tumantiya sa timpla, ng naaayon sa inyong panlasa.
    Eto na po:

    [​IMG]


    Sangkap
    1 can ng SPAM (pa cube po ang hiwa)
    1 can corned beef *Chunky po mas better
    1 tbsp. butter
    1 tbsp. oil
    1 big size onion, chopped
    2-3 pieces siling haba or pang sigang na sili chopped
    1 tsp. liquid seasoning or soy sauce
    dash of salt (optional)
    1/2 teaspoon black ground pepper
    1/4 tsp. Magic Sarap (kung wala msg na lang)
    3-4 pieces kalamansi
    1-2 stalk dahon ng sibuyas or scallions (chopped)
    siling labuyo (optional)

    Sizzling plate
    1 tbsp. butter
    1 tsp. oil
    1 sunny side up egg
    *Calamansi or lemon

    Paraan:

    1) Pan fry po natin spam at corned beef ng pinagsamang 1 tbsp. butter at 1 tbsp. oil para hindi kagad masunog ang butter. Haluin hanggang maluto.

    2) Sa isang malaking malukong o bowl, paghaluin ang spam at corned beef, salt, knorr seasoning, magic sarap, black pepper, onions, scallions, siling haba at haluing mabuti.

    3) Sa isang sizzling plate, mix butter and oil, ilagay ang mixture haluin ng mga 3-5 minutes.

    4) Garnish ninyo po ng 1 sunny side up na itlog, chopped scallions at calamansi on the side. Tapos!

    saraprasapinas
     
Tags / Keywords: