1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Sobrang tulog, nakakapurol ng isip

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by aregee, Mar 21, 2016.

  1. Isa sa problema ng ordinaryong Juan dela Cruz: Kakulangan sa tulog.

    Para makaiwas sa tindi ng trapik sa Kamaynilaan, kailangang gumising nang maaga at bumiyahe. At dahil maaga ka nagising, malamang ay kulang ka sa tulog. Kaya ang madalas na solusyon: sumulot ng idlip sa opisina.

    May problema nga lang pag ang mga wala-sa-oras na siyestang ito ay naging habit na at ang nagiging kabuuang tulog mo ay higit na sa pito o walo kada araw.

    “Problema ba ‘yun?” maaari mong tanong.

    Hindi lang problema iyon, ayon sa mga doktor, kundi isa nang sakit na kung tawagin ay hypersomnia.

    Ang hypersomnia ay isang kondisyon kung saan sobra-sobra na ang itinutulog ng isang tao lalo na kapag umaga. Hindi lang siya isang simpleng kaso ng pagiging Juan Tamad; ang mga taong may hypersomnia ay nawawalan ng ganang kumain, pumupurol ang memorya, humihina ang paningin at pandinig, at nagsisimulang makakita ng mga ilusyon.

    [​IMG]

    Samantala, dokumentado na ng lahat ang naidudulot ng kakulangan sa tulog. Nariyan ang pagiging iritable, panghihina, kahirapan sa pag-iisip at pagdedesisyon at pati na ang depression o sobrang kalungkutan.

    Gayunpaman, mas malala ang masobrahan sa pagpapahinga. Ang hypersomnia ay nakakababa rin ng social skills ng isang tao, permanenteng nakakapagpalabo ng isip, at nagdudulot ng palagiang pagkapagod kahit pa nakatulog na. At napag-alaman din na karamihan ng may hypersomnia ay may sakit din sa puso.
     
  2. Mga sad lang ang tulog ng tulog

    S-Sleeping
    A-All
    D-Day
     
Tags / Keywords: