1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

sobra na

Discussion in 'Off-Topic' started by angelo cruz, Jun 29, 2016.

  1. Please or Register to view links

    for Better PHILIPPINES, please Sign the Petition ”



    Hindi ako pulitiko at hindi ako sikat na tao pero may magagawa ako kung tutulungan nyo ako.

    Ang problemang ito ay isa sa pinaka-malalang modernong problema ng ating bansa sa ngayon. Ito ay naghahatid ng pagkalugi ng mga negosyo, pagbagal ng transaksyon, pagkasayang ng mga oras, korupsyon at higit sa lahat ang problemang pang-kalusugan. Ito rin ay nagiging sanhi ng labis na “pressure”, “stress”, pagod at “anxiety”, na maaring humantong sa high blood at stroke o kung minsan pagkamatay.

    Ang Pilipinas na ating bansa ay isa sa may pinaka-makupad na internet sa buong mundo. Marami ang nagsusulong ng nationwide broadband network (NBN) pero hindi alam ng marami na ito ay gagastusan ng pampublikong pera na dapat ay mas nauukol sa pagpapa-unlad ng edukasyon at serbisyong pagkalusugan. Ang DOST naman ay naglatag ng proyekto na magbibigay ng libreng WiFi sa mga pampublikong lugar, sa katunayan ang hangarin nito ay maganda ngunit hindi nito nilulutas ang mga problema ng sobrang kabagalan at mahal na internet sa Pilipinas.

    Ito ang listahan ng mga problema sa internet sa Pilipinas;

    1. Sobrang bagal na internet pero patuloy ang pagbabayad sa serbisyong hindi naman maayos

    2. Pawala-walang internet pero patuloy ang pagbabayad sa hindi nagamit na serbisyo

    3. Paglalagay ng Data Cap o Limitasyon sa pag gamit

    4. Sobrang mahal na internet

    5. Kawalan ng malawak at maasahang network coverage

    6. Napaka-pangit na hotline support

    7. At Kawalan ng maayos na interconnection ng lahat ng network

    Atin pang busisihin ng mas malawak at mabuti ang mga nabangit na problema.

    1. Sobrang Bagal na internet

    Tayong mga Filipino ay matagal nang nagtitiis sa sobrang mabagal na internet, yun bang tipong nakikita natin sa ang nakalagay sa connection natin ay 3G o 4G pero daig pa ang traffic sa EDSA, sa sobrang bagal. Sayang lang ang binabayaran natin dahil sa makupad na internet sa kadahilanan hindi naman nag-upgrade ng tamang infrastraktura ang mga network providers. Ang dahilan nila ay ang kakulangan daw sa pondo at mataas na halaga ng dolyar kaya mahal ang equipo at karamihan daw sa ina-access natin ay nasa US pa, kung ganun din naman pala, na alam nila ang problema bakit hindi pa nila pabilisin o dagdagan ang Internet backbone patungong US?

    2. Pawala-walang internet

    Kasunod na problema naman ay ang pawala-walang internet, kaka-upload pa lang natin pero pagkalipas lang ng apat na oras nawalan na kaagad tayo ng internet. Naubos na ang oras natin sa kakahintay at sa pag-aayos para maibalik ang internet, di lang pagod at puyat ang nagugol natin kundi pati oras natin na hindi na maibabalik. Yung bang tipong naliligo tayo tapos may bola na yung buhok natin at biglang mawawalan ng tubig at paghihintayin pa tayo ng 24 oras o higit pa saka lang ulit makabanlaw. Ang dahilan nila, isang malaking WALA. Bukod pa sa sasabihan tayo na imonitor na lang ang pag-aayos ng internet, maguubos din tayo ng 48oras sa paghihintay na ibalik lang ang load natin. Ang malala ito ay “subject to investigation”.

    3. Paglalagay ng Data Cap

    Ang paglalagay ng Data Cap o limitasyon sa pag-download ay Anti-Consumer, Anti-Progress at Anti-Freedom. Hindi porket ginagawa ito ng mga ganid na network provider sa ibang bansa ay gagayahin na din sa Pilipinas na sobrang baluktot. Palibhasa, karamihan sa mga gumagamit ng internet ay hindi alam ang Data Cap, kaya tila ok lang na abusuhin ng mga network providers ang pagpapatupad nito.

    Para tayo kumain sa eat-all-you-can pero hanggang dalawang balik lang, bakit pa tinawag na eat-all-you-can kung may limitasyon lang din naman. Bakit pa tinawag na unlisurf or unlidata kung may limitasyon lang din naman ang pag-gamit ng internet.

    1. Ito ay anti-consumer sa dahilang ang binenta sa atin ay hindi natin makukuha ng buo, nilalabag nito ang lahat karapatan ng consumer sa maayos, patas at kumpleto na serbisyo.

    2. Pangalawa, nililimitahan nito ang maayos at patuloy na pag-unlad ng kaalaman sa ginagawang tahasang pagpapabagal ng ating internet connection.

    3. Pangatlo, ito ay anti-freedom, nilalabag nito ang karapatan ng bawat isa na magkaroon ng kalayaan sa pag-gamit ng internet.

    Ang Fair-Use policy ay para daw makagamit ng tama ang lahat ng subscriber, ito ay isang malaking kasinungalinan, ang polisiya na ito ay pabor lang sa kanila at hindi sa ating mga consumers. Bakit sila magbebenta at mangangako ng isang bagay na hindi pala nila kayang ibigay ng tama. Ang tawag dito ay overselling at oversubscription, o mas kilala sa tawag na ganid o sakim sa pagkita ng pera, naibenta na, papatungan pa ng malaki.

    4. Sobrang mahal na internet

    Bukod sa isa sa may pinaka-makupad na internet ang Pilipinas, tayo din ang isa sa may sobrang pinakamahal na internet. Ang dahil daw nito ay ang mataas na halaga ng dolyar at tax, ang tangkad na lang natin ang hindi tumataas ngunit ang kalidad ng serbisyo ay patuloy pa ding bumababa. Dahil walang kakumpetensya sa industriya kayang-kaya pasobrahan ng malaki ang halaga ng internet, dahil wala tayong pagpipiliang iba. Kung tutuusin din lang naman, kung mayroon lang na matapang at matinong abogado na tulungan tayong magsampa ng anti-trust sa mga ganid na Kumpanya, kayang-kaya naman. Teka lang, naipasa na ba ito ng kongreso o busy pa sila sa kasal, binyag at libing? Ito ang naging resulta ng kawalan ng maraming pagpipiliang internet providers sa Pilipinas. Dati-rati sobrang dami nila pero ngayon, kinain na lang ng dalawang kumpanya at hinayaang mangyari ng senado, kongreso at NTC ito.

    5. Kawalan ng malawak at maaasahang network coverage

    Huwag na tayo lumayo, ang NCR na lang na sentro ng Pilipinas at sentro ng komersyo sa buong bansa ay walang maayos, maaasahan at malawak na network coverage. Lumayo lang tayo ng isang dangkal, huwag na tayong ng umasa na makakuha ng maayos na coverage. Ang dahilan nila, ikaw, tayo, at ako ang may problema at hindi sila. Ang solusyon nila ay lumapit daw tayo sa may maayos na signal. Napakadaling sabihin para sa kanila pero malaking abala para sa atin.

    6. Napaka-pangit na hotline support

    Ang laki na ng problema natin sa mabagal at pawala-walang internet tapos pag-tumawag pa tayo sa hotline, magiging hot ang ulo at tenga natin kakahintay. Ito ang listahan ng problema sa hotline:

    1. Hindi nakasulat ang hotline number.

    2. Hindi nakasulat ng maayos ang hotline number at kakailanganin pa nating ng magnifying glass para mabasa ang numero.

    3. Kailangan may load tayo para makatawag, eh kinain na nga ng ganid na network yung load natin paano pa tayo tatawag kundi magpaload ulit.

    4. Kawalan ng toll free number na maari nating tawagan sa kahit anong network, sa ngayon pwede lang natin sila tawagan kapag network nila gamit natin. Paano nga natin sila tatawagan kung ang network lang na meron tayo ay hindi sa kanila, kasi yung network nila may problema.

    5. Nakakalitong automatic telephone response na sinadyang ginawa para mabawasan ang mga tumatawag, ang sobrang pagtitipid na ito ang nagpapangit ng serbisyo

    6. Sobrang haba ng paghihintay para may maka-usap lang tayo na support, at hindi lang 15 minuto kung minsan umaabot pa ng higit sa kalahating oras na paghihintay para lang may maka-usap tayo.

    7. Tapos kapag sumagot na sila biglang mag dadrop call (tila ba sinadyang idropcall ng operator), o hindi kaya naman di daw nila tayo marinig kahit naririnig natin sila.

    8. Sa bandang huli at sa wakas may makaka-usap na tayo pero ganoon pa din pala, dahil wala pa din pala silang maitutulong kundi sasabihan lang tayo na maghintay muli at bigyan tayo “problem ticket number”.

    9. Makalipas ang ilang “follow up call”, ang ating “problem ticket number” ay naghimalang na “close” na daw, ang ating problema ay biglang “close and solve” ba daw, pero ang internet wala pa din. Panibagong ticket number uli.

    Sobrang kawawa tayong mga Filipino consumer, ang pinakamatagal na paghihintay ko sa telepono inabot ng 1 ½ oras, mabuti na lang naimbento ang “speaker phone”. At higit sa lahat inaabot ng 3 lingo bago naibalik ang internet pero sobrang gapang naman sa bagal, sabay bigay ng advanced billing ng walang rebates. Kawawa naman talaga tayo “ontime” sa bayad pero “delayed” sa serbisyo.

    7. Kawalan ng maayos na interconnection ng lahat ng network

    Kung walang maayos na interconnection ang lahat ng network, mas lalong babagal ang connection ng bawat Filipino sa isa’t isa kahit magkakatabi lang tayo. Sa ngayon kung gusto nating gamitin ang internet para kumonekta sa kapwa natin Filipino na magkaiba ang network, ito ay kailangan pang dumaan muna sa Hong Kong o Singapore o Japan o US kung saan meron “internet gateway” na nagreresulta lalo ng pagbagal ng connection natin sa bawat isa. Ang dahilan nito ay walang maayos na polisiya na magkaroon ng “common internet gateway” ang lahat ng network, bagkus kanya-kanya sila at walang ginagawa ang NTC sa problemang ito na sobrang tagal na.

    Meron namang solusyon sa mga problema ng internet sa Pilipinas, wala lang maglakas loob na gawin na bigyan ito ng solusyon. Mas pinaiiral kasi ang tubo, kita at pera na pinalalakad ng mga “lobbyist” galing sa mga ganid na tao para sa ganid na pulitiko.

    Ngayon kung sasabihin nila na dapat gastusan ng pamahalaan, nagkakamali sila, mas kayang tugunan ng pribadong sector ang problemang ito kung may maayos na batas at patakaran na sinusunod ang pribadong sector at tanggalin ang “sovereign guarantee” o mas kilala natin sa tubong lugaw na ginisa sa sariling mantika, gahaman lang ang nag-imbento nito.

    “Karapatan muna ng Filipino bago pera”

    Kung uunahin lang muna ang karapatan ng bawat Filipino na magkaroon ng maayos at mabilis na internet maayos ang problemang ito ng mabilis.

    Ang mga sumusunod na suhestiyon ang nararapat na solusyon sa napakalaking problema natin sa nakakasukang bagal at pangit na serbisyo ng internet sa Pilipinas:

    1. Obligadong pag-upgrade ng network capacity na naaayon sa dami ng subscriber.

    2. Obligadong pag-upgrade ng network bawat 2 taon na higit na mas mabilis ng 50% kesa sa dati.

    3. Pagbibigay ng 50% import tax reduction sa mga equipo na gagamitin sa upgrade.

    4. Pagbibigay ng 75% tax reduction sa mga equipo na ginawa sa loob ng Pilipinas na gagamitin sa upgrade.

    5. Pagbibigay ng Tax Holiday for 5 years sa internet provider para matulongan mapataas ang serbisyo ng internet kapantay ng mga bansang mauunlad

    6. Pagbibigay ng maayos, mabilis at maasahan na libreng internet ng pribadong network provider sa mga pampublikong lugar na nasasakupan nila tulad ng pampublikong paaralan, aklatan at parke.

    7. Pagsasabatas na gawaing “basic needs” ang internet at hindi “value added services”. Ito ay mas naayon sa modernong Pilipinas ngayon

    Ito ay magbibigay kapangyarihan sa Pilipinas na maiayos ng tama ang presyo ng internet na aangkop sa lahat at mabawasan ang labis-labis na paniningil.

    8. Pagsasabatas ng Internet Subscriber Bill of Rights

    a. Karapatan ng bawat Filipino na magkaroon ng maayos, mabilis at maaasahang internet connection

    b. Kung mawawalan ng internet connection, ang subscriber ay automatikong makakakuha ng 150% rebates sa bawat isang oras “no questions asked and no requirements needed” at ito ay dapat maibigay agad sa loob ng 12 oras. Sa bawat karagdagang isang oras na walang internet ay may karagdagang 50% rebates na makukuha ang subscriber.

    c. Kung bumagal ang internet connection na hindi ayon sa nasasaad na plano, ang subscriber ay automatikong makakakuha ng 125% rebates “no questions asked and no requirements needed” at ito ay dapat maibigay agad sa loob ng 12 oras. Sa bawat karagdagang isang oras na mabagal ang internet ay may karagdagang 25% rebates na makukuha ang subscriber.

    d. Pagbabawal na maglagay ng “data-cap” at “filtering*” na hindi ayon sa mandato ng OICT

    i. *Ang OICT ay maaring maglagay ng filtering sang-ayon sa nakakabuti sa lahat para mabigyan ng proteksyon ang subscriber sa mga panloloko at mga criminal na aktibitad.

    e. Karapatang malaman kung saang lugar may maayos na signal coverage, ito ay dapat nakalathala ng malinaw sa website at mabilis itong makikita ng libre.

    f. Karapatan na malaman ang “troubleshooting guide” kasama na ang mga “settings”, ito ay dapat nakalathala ng malinaw sa website at mabilis itong makikita ng libre.

    g. Dapat nakasulat ng 200% ang laki ng “minimum guaranteed bandwidth at latency rate” sa lahat ng uri ng lathalain.

    h. Dapat nakasulat ng 70% ang laki ng “maximum burst bandwidth at latency rate” sa lahat ng uri ng lathalain.

    i. Dapat nakasulat ng 150% ang laki ng “Hotline Support Number” sa lahat ng uri ng lathalain.

    j. Karapatan ng subscriber na matawagan ng libre ang hotline support number gamit ang anumang network ng hindi kinakailangang ng anumang “requirements”.

    k. Kung hindi masasagot ng support operator ang tawag sa loob ng 3 minuto, ang subscriber ay automatikong makakakuha ng 5% rebates “no questions asked and no requirements needed” at ito ay dapat maibigay agad sa loob ng 12 oras.

    l. Kapag tumagal ng higit sa 10 minuto ang paghihintay, ang subscriber ay automatikong makakakuha ng 25% rebates “no questions asked and no requirements needed” at ito ay dapat maibigay agad sa loob ng 12 oras. Ang bawat sampung minuto na karagdagang paghihintay ay karagdagan din na 25% rebates.

    m. Kung ang “problem ticket number” ay daglian isinara ng walang pahintulot ng subscriber, ang subscriber ay automatikong makakakuha ng 300% rebates “no questions asked and no requirements needed” at ito ay dapat maibigay agad sa loob ng 12 oras.

    9. Ang mungkahi ng kongreso na Department of Information and Communication Technology (DICT Bill) ay walang ngipin at ito ay magsisilbing palamuti lamang at walang kakayahang magpatupad ng maayos na sistema para sa mga Filipino. Kaya dapat itong palitan ng OICT, na mas may ngipin, mas may kakayahan gampanan ang mas nakakabuti sa bawat Filipino.

    10. Pagsasabatas ng Office of Information and Communication Technology (OICT)

    a. Ang mandato ng OICT ay pagsibilhan ang taong bayan at hindi ang mga nakaupong opisyal ng pamahalaan.

    b. Ang chairman ng OICT ay dapat nominado ng Presidente, Speaker of the House, Senate President and all the Justices of the Supreme Court.

    c. Ang chairman ng OICT ay dapat may sampung taon o higit pa na nanilbihan sa tungkulin ng ICT mapapribado o pampubliko.

    d. Ang chairman ng OICT ay obligadong magretiro sa edad na 50

    e. Ang Department of Transportation and Communication ay magiging Department of Transportation na lamang.

    f. Ang mga sumusonod na sangay ng pamahalaan ay mapapasailalim sa OICT

    i. National Telecommunications Commission

    ii. Commission on Information and Communications Technology

    iii. National Computer Center

    iv. Telecommunications Office

    v. At lahat ng ICT related Division/Department/Section sa lahat ng sangay ng pamahalaan kasama ang mga lokal na pamahalaan.

    vi. Ang OICT ay may karapatan na buwagin ang ilan sa mga nabangit na sangay para mas ika-uunlad ng ICT sa Pilipinas.

    g. Lahat ng “quasi-judicial” na kapangyarihan ng NTC ay malilipat sa OICT

    h. Ang mga sumusunod ang mandato ng OICT

    i. Taga-pangalaga ng “Freedom of Information Law”

    ii. Taga-pangalaga ng maayos, mabilis at maasahang daluyan ng impormasyon at komunikasyon.

    iii. Ang OICT ang may kapangyarihan na mag-bigay at mag-alis ng lisensya sa mga daluyan ng impormasyon at komunikasyon.

    iv. Ang OICT ang may kapangyarihan na magsa-ayos ng tamang presyo ng lahat ng daluyan ng impormasyon at komunikasyon kasama na ang internet.

    v. Ang OICT ay may karapatang gumawa ng polisiya para sa mas ika-ununlad ng ICT sa Pilipinas

    vi. Ang OICT ay maaring magpataw ng parusa, suspensyon at multa sa mga lalabag sa polisiya ng ICT

    vii. Ang OICT ay dapat mag-palawig ng industriya ng ICT sa Pilipinas

    viii. Ang OICT ay dapat mag-bigay ng tulong financial sa mga pausbong na maliit na industriya ng ICT. Ito ay walang interest at dapat maibalik sa kaban ng Bayan sa Loob ng 3 taon.

    ix. Ang OICT katuwang ng BIR ay dapat magbigay ng 5 taong TAX HOLIDAY sa mga bagong rehistrong negosyo na saklay ng ICT.

    x. Ang OICT katuwang ng BIR ay dapat magbigay ng maayos na TAX policy sa mga banyagang magtatayo ng negosyo sa Pilipinas para tugunan ang pagpapalawig ng ICT sa Pilipinas.

    xi. Ang OICT katuwang ng lahat ng sangay ng pamahalaan ay dapat tumulong sa pagpapabilis ng pagrehistro ng negosyo.

    xii. Ang OICT katuwang ng lahat ng sangay ng pamahalaan ay dapat tumulong sa pagpapabilis at pag-centralize ng online procurement sa Pilipinas.

    xiii. Ang OICT katuwang ng BSP ay dapat tumulong na palawigin ang pag-gamit ng electronic money para sa mas mabilis at ligtas na paraan ng pagbabayad at pag-iingat ng salapi.

    xiv. Ang OICT katuwang ng COMELEC ay dapat tumulong sa pag-sasaayos ng listahan ng botante.

    xv. Ang OICT katuwang ng lahat ng sangay ng pamahalaan ay dapat tumulong sa paglulunsad at pagpapatupad ng “consolidated ID”. Para makatipid ang pamahalaan ng paglalabas ng mga kanyang kanya ID ng mga LGU at iba pang sangay.

    xvi. Ang OICT katuwang ng DepEd at CHED ay dapat tumulong sa pagbibigay ng maayos na curriculum sa mga paaralan na akma sa modernong panahon.

    xvii. Ang OICT katuwang ng DepEd ay dapat magtayo ng sentro ng kalinangan para sa ICT, ito ang Academya ng ICT na tutulong paghusayin at paglawigin ang pag-papaunland ng ICT sa Pilipinas.

    xviii. Ang OICT ang magbibigay ng rekomendasyon ng mga makabago, matipid at maasahang teknolohiya na angkop sa ICT sa bawat proyekto ng lahat ng sangay ng pamahalaan na tutulong mabawasan ang korupsyon.

    xix. Ang OICT ang taga-pangalaga ng lahat ng impormasyon at komunikasyon sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

    xx. Ang OICT ay nilikha para lahat ng Filipino at anumang serbisyong ibibigay nito ay maaring makuha ng bawat Filipino ng maayos, mabilis at maasahan.

    i. Tanging “impeachment” lamang ang maaring magpatangal sa chairman ng OICT

    Ang lahat ng nabangit na solusyon ang syang magbibigay ng maayos, mabilis at maasahang serbisyo sa bawat Filipino. Mababawasan nito ang korupsyon at makakatipid ng Malaki ang ating pamahalaan para pag-tuunan ang edukasyon, kalusugan at kapayapaan.

    Muli uulitin ko po, hindi ako pulitiko at hindi ako sikat na tao pero kung tutulungan nyo po ako, kaya nating matupad ang lahat ng ito. Magtulongan tayo sa ika-uunlad ng Pilipinas.

    “for Better PHILIPPINES, please Sign the Petition ”
     
    Lasbin likes this.
  2. jinzo

    jinzo Journeyman Established

    You have my support sir.:)
     
Tags / Keywords: