1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Question SmartBro LTE unknown network?

Discussion in 'Smart, TNT & Sun Questions' started by JDCruz, Feb 21, 2016.

  1. Hello PH Corner!

    May naka experience na ba ng ganito dito sa manila, can access internet/download no cappping but unknown network yung makikita sa network connections dun sa pc and cellphone. May friend kaming taga Norway na nagbakasyon dito sa manila nang 1 month nung april 2015. Dala niya yung gamit niyang phone sa norway kaso ang mahal ng international data charge, 10 euro per 5MB of data pag ginamit dito sa manila yung phone niya. Para makatipid ginawa kong Portable Wi-Fi hotspot yung isang phone namin para magamit niya, ang gamit po nung sim ay yung sa nasirang usb dongle ng smartbro yung kulay pink. Nagload po kami ng 100 pesos using smartbro prepaid card.

    Pagbalik niya sa norway, dun lang po namin napansin na yung spare na cellphone ay may internet connection kahit wala nang load, nakapag browse kami at download ng large files ng walang restriction(before april 2015 nagpapaload kami kapag gustong mag-internet using that smartbro sim). After april 2015 kahit walang load at i-turn off po yung phone or alisin yung sim di nawawala yung internet connection yun nga lang unknown network po yung makikita sa phone or pag tether siya sa pc unknown network din. Pagnilipat naman po yung sim sa ibang phone, ganun din po unknown network ang lumalabas. Wala naman kaming ginagalaw sa settings nung android phone basta select lang namin yung SmartBro LTE dun sa APN at usb tethering/portable wi-fi hotspot pag gagamitin sa pc. Wala din po kaming ni-register na kahit anong promo ni smart.

    Nung Feb. 14 po nailagay nung pinsan namin yung Globe Prepaid Sim niya dun sa phone, nung ibinalik namin si smartbro sim dun sa phone wala na po yung internet/unknown network at si smart na ang nakikita sa network. Nung nilipat sa ibang phone yung smartbro sim, si smart din ang nakikitang network connection at pumapasok sa dashboard pag mag-access ng net ng walang load. Almost 10 months din naming nagamit yung internet at download (average download speed po ni unknown network ay 2Mbps-3Mbps(via http download or torrent), di po siya bumababa dun at pag nagspeed test naman ay 30.5 Mbps ang nakukuha namin). Sinubukan ko na pong gayahin yung ginawa namin last year with the same sim(load 100 pesos, turn on hotspot sa phone, browse using other devices until mag-notify na zero balance na, turn off phone for a couple of hours) pero di lumabas si unknown network. Nagbasa-basa na po ako sa mga thread ng smart/tnt pero wala pa akong nakitang katulad ng sa akin. Meron na po ba sa inyo na napalabas din si unknown network?. Gamit ko po ay openline phone na LTE capable, yung sim ay 0947 ang start at android version 4.3 siya, wala pong ibang apps na naka-install dun sa phone kundi yung factory default. Thank you in-advance.
     
Tags / Keywords: