1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Sleep paralysis o waking nightmare:

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by kriezcian, Aug 13, 2016.

  1. kriezcian

    kriezcian Enthusiast Established

    Paano ito maiiwasan at ano ang gagawin upang magising agad?
    Naranasan mo na ba na kakatulog mo palang pero bigla ka magigising na parang may humahatak sa'yo o nakadagan sa iyong dibdib? Alam mo ang nangyayari sa palagid mo pero di ka makakilos o makapagsalita. May nakakatakot kang makikita sa paligid o tabi mo, parang multo, demonyo o masamang espiritu. Gusto mong sumigaw upang humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses? Gusto mong gumalaw pero parang nakatali ang buo mong katawan. Ang tawag dito ay sleep paralysis.
    Ang sleep paralysis ay isang common sleep condition. Kahit na ito ay nakakaalarma, HINDI ITO MAPANGANIB o masasabing MEDICAL EMERGENCY.
    Ang pinaka-common na nangyayari sa episode ng sleep paralysis ay ang walang kakayahang kumilos o magsalita.
    GAANO ITO KATAGAL?
    ITO AY MAAARING TUMAGAL NG ILANG SEGUNDO HANGGANG 2 MINUTO. Kadalasan, tumitigil ito ng kusa o kaya naman kapag may tatapik o gigising sa iyo.
    PAANO ITO MAIIWASAN:
    1. Bawasan ang stress
    2. Regular na mag-ehersisyo, pero huwag bago matulog
    3. Matulog ng sapat. Magkaroon ng sleep schedule
    4. Kung may sakit, siguraduhing naka-track ang oras ng iyong pag-inom ng gamot
    5. Alamin ang side effects ng mga gamot na iniinom upang maiwasan ang ilan sa mga side effects nito, tulad ng sleep paralysis.
    ANONG GAGAWIN KAPAG NARANASAN ITO:
    1. Huwag labanan. Kapag pinilit mong labanan, lalong lalala ang pakiramdam na may mabigat sa dibdib. Kalmahin ang sarili kahit natatakot
    2. Igalaw ang mga daliri sa paa. Kadalasan ay sa dibdib, tiyan at lalamunan ang apektado ng sleep paralysis. Ifocus ang buong atensiyon sa paggalaw ng mga daliri sa paa. Mabisa itong pampagising
    3. Ibuka at isara ang kamao. Parang technique sa #2
    4. Controlled breathing. Kadalasan kapag nasa sleep paralysis ay nakakalimutan nating huminga ng maayos dahil sa sobrang takot. Ikontrol ang paghinga. Inhale exhale upang makalma ang paghinga. Mababawasan nito ang chest pains
    5. Magdasal. Pinakamabisa!
    6. Umubo. Dahil hindi ka makakasigaw, subukan mong umubo hanggang ikaw ay magising
    7. Sumimangot o lukutin ang mukha na parang nakaamoy ka ng mabaho. Gawin ito 3 beses hanggang magising.
    PAGKAGISING, HUWAG MATULOG ULIT upang hindi magtuloy ang sleep paralysis. Buksan ang ilaw, maghilamos at uminom ng tubig.
    Share nyo rin para malaman ng iba.
     

    Attached Files:

    You must or Register to view Attachment.
    lmj09, Ms Extraordinary, yama and 4 others like this.
  2. Drose

    Drose Honorary Poster Established

    Thanks sa impormasyon ts!(y)
     
    kriezcian likes this.
  3. kriezcian

    kriezcian Enthusiast Established

    your welcome sir :)

    your welcome, :)
     
  4. khloe

    khloe Enthusiast Established

    Kadalasan nakaka experience nyan mga lalake
     
    kriezcian likes this.
  5. kriezcian

    kriezcian Enthusiast Established

    mostly lalaki, one time nakaranas din ako ng ganto, buti na lang nagising pa nila ako, nakakatakot ung feeling mo to too ung nangyayari un pala panaginip lang.
     
  6. Thanks sa tips...ilang beses na ako naka rans ng ganyan..
     
    kriezcian likes this.
  7. jinn08

    jinn08 Enthusiast Established

    Salamat. Mabisa ang uminom agad ng tubig para di maulit ang sleep paralysis
     
    kriezcian likes this.
  8. Minsan ko nang naranasan yan... at ayoko na ulit makita yung nakita ko noong ma experience ko ang sleep paralysis..
     
    kriezcian likes this.
  9. dmjcsi

    dmjcsi Enthusiast Established

    maraming salamat sa info ts
     
    kriezcian likes this.
  10. devilzoro

    devilzoro Enthusiast Established

    hirap ng ganyan..salamat sa info..
     
    kriezcian likes this.
  11. maraming salamat diro sa information boss...
     
    kriezcian likes this.
  12. Keep sharing ts.
     
    kriezcian likes this.
  13. jinn08

    jinn08 Enthusiast Established

    katakot nga eh haha
     
  14. phinkzz_12

    phinkzz_12 Enthusiast Established

    Thanks for the info. sir
     
    kriezcian likes this.
  15. billz

    billz Addict Established

    deepweb na mapupunta to, keep sharin ts(y)
     
    kriezcian likes this.
  16. yama

    yama Enthusiast Established

    Effective ang igalaw ang daliri. I always do that
     
    kriezcian likes this.
  17. Nangyari na sa akin to maraming beses na. I've noticed na every time na nangyari to nakahiga ako with my back on the bed. Kaya since then naka side na ako matulog and never ko na ulit siya na experience hehe
     
    kriezcian likes this.
  18. jaymay16

    jaymay16 Enthusiast Established

    Naranasan ko na to ..mulat ang mata ko kaso di makagalaw at makapagsalita..di ko masasabing panaginip yun kse alam kong gising ako..buti na lng d ako nag panic..thanks dito ts
     
  19. shapala

    shapala Addict Established

    nangyari din yan sakin dati sa tanghaling tapat lalo na pag mainit iwasan din matulog sa mainit na lugar para di mahirapan huminga.
     
Tags / Keywords: