1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia rosal

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang rosal ay isang halamang namumulaklak na may katamtamang taas. Ang bulaklak ay maputi, mabango at nag-iisang tumutubo sa dulo ng mga sanga. Karaniwan itong tanim sa mga hardin bilang halamang ornamental. Orihinal na nagmula sa timog-Tsina at nakakalat na ngayon sa buong mundo.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA ROSAL?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang rosal ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Isang pag-aaral ang tumukoy sa siyam na uri ng kemikal na matatagpuan sa halamang ito gaya ng sumusunod: imperatorin, isoimperatorin, crocetin, 5-hydroxy-7,3′,4′,5′-tetrainethoxyflavone, 2-methyl-3,5-dihydroxychromone, sudan III, geniposide, crocin at crocin-3
    Ang bulaklak ay mayroong styrolyl-acetate at linalol
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Ugat. Ang ugat ay karaniwang pinatutuyo sa araw bagi ilaga at ipainom na parang tsaa.
    Bunga. Ang bunga ng rosal ay mabisa din sa paggagamot sa pamamagitan ng pag-inom sa pinaglagaan nito.
    Dahon. Ang mga dahon naman ay maaaring dikdikin at ipantapal, o kaya ay ilaga at inumin na parang tsaa.
    Balat ng kahoy. Mabisa din sa panggagamot ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng mga sanga ng halamang rosal.
    ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG ROSAL?
    1. Lagnat. Pinaiinom ang pinaglagaan ng ugat ng rosal sa taong dumaranas ng lagnat na may kasama pang pagdedeliryo. Maaari ding gamitin ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng mga sanga ng rosal. Ang pinulbos na bunga ng rosal na hinalo sa inumin ay mabisa ding pampababa ng lagnat.
    2. Kabag. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng pinatuyong ugat ng rosal upang malunasan ang kondisyon ng kabag.
    3. Dyspepsia. Ang kondisyon naman ng matinding pananakit ng tiyan dahil sa dyspepsia o hindi maayos na pagtunaw ng kinain ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at bulaklak ng rosal. Ang pag-inom naman sa pinaglagaan ng ugat ay may kaparehong epekto laban sa sakit.
    4. Implamasyon sa mata. Maaaring ipanghugas sa mata na dumaranas ng implamasyon ang pinaglagaan ng bulaklak ng rosal.
    5. Pamamaga ng suso. Ipinangpapahid sa namamagang dibdib ang dinikdik na dahon ng rosal.
    6. Pigsa. Pinapahiran naman ng pinulbos na bunga ng rosal ang bahagi ng katawan na may pigsa.
    7. Pananakit ng ngipin. Inilalagay naman sa nanakit na ngipin ang dinikdik na bunga ng rosal upang mabawasan ang pamamaga at pananakit.
    8. Pagtatae. Pinaiinom ng pinaglagaan ng balat ng kahoy ang taong dumaranas ng pagtatae.

     
Tags / Keywords: