1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia RIMAS

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    Ang RIMAS ay isang karaniwang puno na madaling nakikita sa mababang lugar sa Pilipinas. Ang bunga nito na bilugan, umbok-umbok na balat, maputing laman, at walang buto sa loob ay karaniwang ginugulay o minamatamis. Ang mataas na puno ay may malalapad na dahon at mayaman sa dagta.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA RIMAS?
    Ang iba’t ibang bahagi ng halamang rimas ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang buong halaman ay mayroong papayotin, enzyme at artocarpin.
    Ang nakakaing bunga ay may taglay naman na tubig, protina, carbohydrate, fat, calcium, phosphorus, iron, niacin, thiamine, at vitamin B at C.
    Ang dahon naman ay mayroong tannins, phenolics, glycosides, saponins, steroids, terpenoids, at anthraquinones
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Bunga. Ang bunga ng rimas ay karaniwang kinakain lamang. Maaari itong ilaga, o haluan ng gata ng niyog.
    Balat ng kahoy. Karaniwang nilalaga naman ang balat ng kahoy at pinapainom sa dumaranas ng sakit.
    Dahon. Maaaring dikdikin ang dahon at kuhanan ng katas. Ang katas ay maaring inumin o ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan.
    ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG RIMAS?
    1. Sugat. Ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng rimas ay maaaring ipang hugas sa sugat upang mas mapabilis ang paggaling.
    2. Pagtatae. Pinapainom naman ang pinaglagaan ng balat ng kahoy sa taong dumaranas ng dysinteria o pagtatae. Maaari ding inumin nag dagta na hinalo sa tubig upang maibsan ang pagdudumi.
    3. Altapresyon. Iniinom naman ang pinaglagaan ng dahon ng rimas upang makontrol ang presyon ng dugo.
    4. Pilay. Ang pilay mula sa naipit na ugat ay maaaring pahiran ng malapot na dagta mula sa mga dahon ng rimas.
    5. Pananakit ng likod. Maaari ding ipahid ang malapot na dagta mula sa dahon sa bahagi ng likod na nanakit dahil sa kondisyon ng sciatica.
    6. Pananakit sa loob ng tenga. Pinapatakan naman ng dagta at katas ng dahon ang loob ng tenga na nananakit.
    7. Pananakit ng ulo. Maaaring ipantapal ang balat ng kahoy sa noo at sentido upang maibsan ang pananakit ng ulo.
    8. Diabetes. Ang pinatuyong dahon ng rimas ay maaaring tadtarin at gawing tsaa upang mainom at matulungan nag kondisyon ng diabetes.
     
Tags / Keywords: