1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Prutas, gulay mahalaga sa ngipin at gums

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by aregee, Mar 23, 2016.

  1. ANG ngipin ay maituturing na yaman ng bawat ilalang, kung nais natin ng magandang ngiti, kailangang pangalagaan ang inyong ngipin at gums.

    Isa sa nagbibigay ningning sa kagandahan ng bawat nilalang ay ang magandang ngipin at sa bawat ngiti ay may dulot na mapang-akit na aura ng isang tao.

    Batay sa pananaliksik ng mga eksperto, ang mga prutas at gulay na mataas sa fiber tulad ng celery, carrots at mansanas ay mabuti sa pag-massage ng ating gums at mapabubuti nito ang circulation.

    Ang mga naturang gulay at prutas ay may taglay ring anti-microbials na lumalaban sa mga bateria sa ating bibig.

    Bukod sa pagpapalakas ng resistensya, ang vitamin C ay mainam rin para sa ating gums upang maiwasan ang mga problema sa ating gilagid o gums.

    Para naman sa mas matibay na ngipin, uminom ng tsaa dahil may taglay itong catechin.

    Mainam din ang keso sa pagpapatibay ng ngipin dahil may taglay itong vitamin D at calcium.
     
Tags / Keywords: