1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Programming for beginners (basics)

Discussion in 'Coding, Programming' started by fazz12, Sep 12, 2014.

  1. fazz12

    fazz12 Addict Established

    Note: Hindi po ako expert sa programming. gusto ko lang po ishare yun mga unting alam ko sa programming, as yung ibang programmers kasi busy din sa pagpapalawak ng kanilang nalalaman. yung iba din pinagdadamot yung natututunan nila kasi nga di biro pag aralan yung mga natutunan nila para lang basta basta ishare. para po ito sa mga interesado mag aral mag program

    nakapag try na din ako ng iba't ibang programming languages, mostly puro OOP and paradigm. sa mga natutunan ko, may mga napansin lang ako na mga pwede nating tandaan. pwede ito iregard as tips or something na kailangang tandaan. ililista ko muna yung mga naaalala ko, then iaupdate ko sa twing may maaalala akong bago. ito po ay sa paraan lang ng pagcocode, baka few to none ang isama kong mga line of codes sa isang specific language. feel free po NA ITAMA NYO kung may makita kayong mali sa sinabi ko.

    i assume na kahit simpleng "hello world" application ay may kaunti kang alam, sa isang specific programming language. example nito:

    sa C++:
    #include<iostream> //nag dedefine ng lahat ng functions na mkikita sa iostream library.
    //iostream is responsible for input and output
    //text in console, plus other functions

    //function main, where the "reading of command starts"
    int main() //it has the return data type of integer
    {
    std::cout<<"Hello world"; //the command that actually outputs the text in the console
    return 0; //zero is automatically returned, however we did include this because
    //we declared the function main having the return type of integer
    }

    sa Java
    import static java.lang.System.out;
    public class Main
    {
    public static void main(String[] args)
    {
    out.println("Hello world");
    }
    }


    ok eto na po.

    1. ang "pagbasa" ng computer sa lines of codes ng mga programming languages ay para ding sa pagbabasa ng karamihan sa mga tao na from left to right, from up to down. nangyayari lang po na "tumatalon" yung pagbabasa kapag bumasa ng isang function, goto statements, or conditional. always remember na karamihan sa mga programming languages like C#, C++ at JAVA ay nag uumpisa most of the case sa function main(), maliban sa ibang sitwasyon(like sa android development, kung saan hindi ka mag uumpisa sa main()).

    2. may mga nagsasabi po na kailangang magaling ka sa math para ka matuto sa programming. while masasabing pinagbasehan nga ng programming ang mathematics, hindi naman necessarily kailangang magaling ka dun. oftentimes mas naiintindihan ko mga pinag aaralan ko sa programming kaysa mga pinag aaralan ko sa math :dead:. elementary algebra lang pwede na, maliban kung mag aaral ka ng game dev, kung san dapat may alam ka sa geometry.

    3. hindi super strict ang mga programming languages pagdating sa spacing. most of the time ang spacing ay mahalaga lang para sa readability ng code. example, pwede ka magcode ng "hello world" program sa c++ ng kagay nito:
    #include<iostream>
    using namespace std;int main(){cout<<"Hello world";return 0;}

    as long as may semicolon, parenthesis at braces na nagseseparate, pwede ka magsama ng
    mga statements sa iisang line lang

    pero NOTE na mya iba talaga sa na syntax ay nagrerequire ng space, o kaya naman new line.
    sa Python programming language, for example ay mahalaga ang tab spacing at kinoconsider yun na part ng syntax.

    4. ugaliin mag comment. para mas maintindihan mo kung ano yung ginagawa ng kinocode mo. pwede mo ilagay yung comments after ng code statements, or sa pinaka top, or pinakabottom ng page.

    example: lahat ng code sa kanan ng "//" at gitna ng "/*" at "*/" ay comments


    //this is a comment, hindi to babasahin ng computer , btw sa java po ito
    public class Main() //comment
    {
    public static void main(String[] args) //btw whether String[] args or String args[] ito, it doesn't matter
    {
    System.out.println("Hello world");
    }
    }

    /*
    comment din po ang mga to. di to papansinin ng computer
    dfgvducgnbeduighbcuighcerg8erg748471gc87g7848
    */

    kahit anong itype ko dun, basta comment, hindi yon magdudulot ng error ;)


    5. kaysa ulit ulitin ang pagcopy paste ng lines of code, mas maganda kung gagamit ka ng function.
    example:
    //long version
    int main()
    {
    cout<<"Hi Carla";
    cout<<"Hello good morning";
    cout<<"Kamusta ka?";
    cout<<"anong ginagawa mo?";

    cout<<"Hi Karen";
    cout<<"Hello good morning";
    cout<<"Kamusta ka?";
    cout<<"anong ginagawa mo?";



    cout<<"Hi Leo";
    cout<<"Hello good morning";
    cout<<"Kamusta ka?";
    cout<<"anong ginagawa mo?";

    return 0;
    }


    pwede mo gawing ganto na lang:

    //short version
    void greetAndChat()
    {
    cout<<"Hello good morning";
    cout<<"Kamusta ka?";
    cout<<"anong ginagawa mo?";
    }

    int main()
    {

    cout<<"Hi Carla";
    greetAndChat();

    cout<<"Hi Karen";
    greetAndChat();



    cout<<"Hi Leo";
    greetAndChat();

    return 0;
    }

    kung mas madami kang iggreet, mas madaming lines of code ang matitipid, mas iikli ang source code, mas readeable.


    6. although mas mahirap, hindi mo talaga kailangan ng IDE para makagawa ng source codes. kahit notepad lang pwede ka makapagcode, although kailangan mo ng bukod na compiler para "mabasa" ng computer yung code mo(compiling - translation ng human-readable code into computer readable code, that is strings ng 1 at 0's).

    7. mag umpisa muna magpractice ng console programs bago tumalong sa GUI programs, maliban na lang kung sa VB ka mag uumpisa which is drag and drop na lang ang pagpprogram mo. mas maiitindihan mo kasi yung underlying concept kung sa console ka muna mag uumpisa.

    Console means black screen, puro text, walang image, parang sa command line or DOS.

    GUI- Graphical User Interface - yung may windows, text box, buttons etc.

    8. pag natuto ka sa isang programming language, mabilis mo na ding matututunan yung iba.
    usually sa gantong format yung pag aaral ng mga PL.
    a. example hello world
    b. basic console output
    c. variables
    c-i.data types
    c-ii. constants
    c-iii. literals and strings
    d. basic console input
    e. branching statements(yung mga if-else, switch, etc)
    f. loops (maraming nalilito dito)
    g. functions
    h. arrays
    i. basic file input/output
    j. simple GUI
    k. and beyond -advanced topics such as structs, enums, unions, classes and OOP stuff

    9. wag po matakot mag experiment sa codes. madalas sa mga programming language may isang output na pwede mo maachieve sa pamamagitan ng different combinations ng codes, depende sa library na gagamitin mo.
     
    Last edited: Sep 15, 2014
  2. Lift

    Lift Support Team Staff Member Support Team

    thanks for sharing, new idea sakin to ;)
     
    fazz12 likes this.
  3. tsok111

    tsok111 Eternal Poster Established

    nice one thanks
     
    fazz12 likes this.
  4. fazz12

    fazz12 Addict Established

    welcome po mga bossing.
     
    tsok111 likes this.
  5. thank you ! ideas for beginner ...
     
    fazz12 likes this.
  6. noobie lang din.. me alam kaba na madaling pag aralan para sa win32 programming? interested sana ako kaso di ko alam kung magsimula eh
     
  7. Salamat sa pagshare boss. :)
    Gaya nga nang sinabi mo boss, nalilito ako sa logic ng LOOP at branching statements. :(
    May tips po ba para mas maintindihan yung dalawa? :unsure:
     
  8. fazz12

    fazz12 Addict Established

    may background ka na sa C sir? or sa C++? i suggest mag start ka dun sir tapos MS Visual Studio .NET 2010 gamitin mong IDE.
    eto alam kong site so far na madali mong puntahan para jan
    Please or Register to view links

    naencounter ko na kasi yan before pero kasi dahil uso na ang drag and drop at may deadlines ang mga projects sa school(yah at least 5 mos lang per sem) hindi ko masyado naexplore ang win32, instead yung current trends like VB/Java/C# forms ang madalas kong gamitin(at ng karamihan hehe)

    pero kung gusto mong mag window based gamit ng win32 walang pipigil sayo.
    mga importanteng variables na dapat mong tandaan kapag windowed yung gagawin mong programs ay ang mga sumusunod:
    screen width
    screen height

    dapat din na aware ka sa position X, position Y, width, at height ng visual objects/ controls na gusto mong gamitin.

    tapos be aware din po sa x and y coordinates. ang (0,0) sa screen, unlike sa cartesian plane, ay nag uumpisa sa top-left ng screen ng computer, NOT sa gitna.

    1 pixel move to the right, + 1 sa X, 1 pixel move downward, +1 naman sa Y, baligtarin mo lang pag up and left bale magiging -1's.

    also para pantay ang proportion ng mga objects sa LAHAT ng size ng screen, mapa wide screen man yan, 16:9 o 4:3, by percentage dapat ang width, height, posX at posY ng objects mo.

    yung about sa dynamic libraries (.dll) at winsock (network), well basahin mo na lang dun sa binigay kong link. goodluck po boss.
     
    Last edited: Nov 3, 2014
  9. fazz12

    fazz12 Addict Established

    basta tandaan mo lang sir na yung branching statements, ibig sabihin hindi lahat ng codes na nakalatag ay magrrun, mamimili lang ng isa don yung irrun ng program depende sa kung alin sa mga code blocks (multiple lines of code nasa loob ng curly braces "{}" pag c, c++, java, c#, javascript, php ang language) ang may na meet na requirement(s).
    pag na meet ang requirement, mag rrun. kapag hindi, lalaktawan. ganun lang.

    sa loop naman, may blocks of code ka din na ieenclose don usually nasa loob ng curly braces "{}" at "If- End If" (C family languages and VB respectively) statements. magrrun ang blocks of codes na yun nang paulit ulit as long as nameet yung ineevaluate na expression (yung nasa loob ng while(...), do..while(...), at for(...) loop).

    i can explain in full kaso mahaba baka mabored ka haha mahaba kasi ako mag explain sensya na
     
  10. Ok lang boss salamat na din sa tips, kailangan talaga dyan ng matinding concentration at practice na din :)
     
  11. Mister M

    Mister M PHC Master Established

    thanks for sharing po (y)
     
  12. fazz12

    fazz12 Addict Established

    welcome po bossing
    you're welcome sir
     
    Last edited by a moderator: Jul 9, 2015
Tags / Keywords: