1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Poem by me

Discussion in 'Arts & Literature' started by Cjhayjhay, Oct 4, 2016.

  1. Naghihintay ako sayo



    Sa totoo lang, di ako magaling pagdating sa pagsusulat ng mga ganito

    Pero kailangan ko to ilabas kung hindi ay sasabog ako

    Habang nakahiga palinga – linga ang matang gala

    Nagmumuni muni na parang tanga na nakatingala

    Naghahanap ng mga salita, na pwedeng ilapat at isulat

    Para ang iyong puso at isip ay mamulat



    Nag-umpisa ito noong High School ako,tipikal na estudyante

    Pumapasok, nag-aaral, at masayang ninanamnam ang aking pagkabata

    Unang araw ng pasukan habang ako’y nangungumusta saking mga kaklase

    Ay bigla kang natanaw sa hindi kalayuan at biglang napatanga

    Na wari’y iba ang aking nadama, tandang – tanda ko pa lahat ng parte

    Ng iyong maamong mukha na nakatayo sa isang tabe, sa gitna ng flag ceremony



    Inaamin ko na nabighani ako kaagad sa’yo

    Na para bang bumukas ang langit sa harapan ko

    Kahit medyo korni ang tunog at parang nanloloko

    Sa paglipas ng mga araw, di ko akalain na magkausap,

    Makatabi, at makasama hanggang sa pag-uwi

    Hanggang sa napansin ko na araw – araw na pala tayong magkasama

    Minsan pa nga ay tinutukso tayo ng ating mga kabarkada.

    Sa likod ng aking mga ngiting nakakubli ay iniisip ko na sana may nararamdaman ka ding kilig kahit kaunti



    Sumagi sa isip ko, nararamdaman mo din kaya ang nararamdaman ko?

    Tuluyan na akong nahuhulog sayo,

    Bakit ganito? Natural lang ba ito?

    Oo, nalilito ako

    Di ko alam kung nasaan ako.

    Tuwing kasama ka ako ay masaya

    Na parang isang bata na binigyan ng lima



    Hanggang sa dumating ang aking kinakatakutan

    Nawala ang lahat ng ating pinagsamahan

    Nang hindi ko alam ang dahilan

    May nagawa ba akong masama?

    Ipinakitang mali,

    Gusto kong magkulong sa isang lumang gusali

    Na ako lang ang laman habang madilim at malamig ang gabi



    Matagal tayong di nag-usap, kunwari lang akong masaya ngunit dama ko ang hirap

    Na di ka kausapin sa takot na di pansinin pero sa kabila ng lahat meron pa palang mas sasakit

    Ang makita kang may mahal na iba at may ibang nagpapasaya at nagpapangiti



    Sinubukang lumayo, tumakas ng sandali sa kadenang nakatanikala sa aking mga binti

    Gusto ko ng makawala, gusto kong wakasan, puro ganito, puro ganyan, gusto ko ng lubayan

    Sa kabila ng pagtangis naisip ko, niloloko ko lang ang aking sarili



    Naaalaala kita mula sa aking paggising, habang tumitilaok ang mga manok at nangangamoy daing ang almusal sa kabila ng aming ding-ding. Kumain ka na, wag ka magpapalipas ng gutom yan ang lagi kong sambit sayo habang nagtetext kahit hindi siguradong may magbabato pabalik



    Naaalala kita, sa tanghali. Habang tinatahak ko ang daanan papunta sa paaralan. Habang umuugong ang mga sasakyan at mga tawa ng mga kalalakihang nagiinuman sa gilid ng umpukan. Kumusta ka na, nakapasok ka kaya? Gusto ko malaman kung nakakain ng sapat. Nagtext na naman ako kailangan kapalan ang mukha. Gusto ko lang malaman ang lahat ng yong ginagawa.

    Dahil di ako mapakali pagdi kita kapiling, na parang ang oras ay gusto kong hatakin.

    Pabalik sa mga oras na tayo ay magkasama.



    Naaalala kita, sa gabi. Habang nagbubulay – bulay ang aking guni guni. Na parang bang lantang gulay na di pa nadidilig dahil di ka pa nagtetext. Anong oras na? Nakauwi ka na ba? Pwede bang sumabay baka sakali

    Oo, alam kong pagod ka sa maghapon ngunit hayaan mong mapawi ang lahat ng ito

    Hayaan mong pasayahin kita gamit ang mga walang kwenta kong banat

    Na di ko naman alam kung saan ko nakukuha

    Hayaan mong pasayahin kita, wag kang magalala di kita iiwan sinta

    Sa lahat ng problema, dadamayan kita









    Hindi makatulog ang aking isip, diwa ko’y tila nagwawalang sabik

    Umaasa na sa bawat tunog ng aking cellphone ay pangalan mo ang nakadikit

    Habang ikaw ay mahimbing at bahagyang naghihilik ay naglalakbay ka naman sa aking isip

    Lagi ka din saking mga panaginip at doon ko lang nararanasan ang iyong pag-ibig

    Sana’y di na ito matapos, yan ang laging nasa isip habang naririnig ang iyong magandang paghimig



    Naaalala kita sa araw-araw na ginawa ng Panginoon

    Na parang mga palabas na cartoon pagsapit ng hapon

    Naaalala ko pa din

    Yung araw na nagkaroon tayo ng larawan na magkasama

    Na hanggang ngayon ay pagkatago-tago ko pa rin

    Ilang beses akong sububok na tawagan ka

    Pero bigo akong makausap ka

    Kung minsan naman parang walang kang gana saki’y makipag-usap

    Kaya nagtitiis na lang ako sa konting pagsulyap-sulyap





    Natatawa ako sa sarili ko, dahil hanggang ngayon ay naghihintay pa din ako sayo

    Ganito siguro talaga pag mahal mo

    Naghihintay kahit hindi sigurado

    Naghihintay na may magbago

    Maaaring sabihin mo na wala akong pag-asa at nagsasayang lang ako ng oras at panahon na maging akin ka

    Naghihintay? Oo nga, ako na ang tanga



    Okay lang sakin yun, kahit hindi ganoon sa pangarap ko ang

    mangyari

    Alam mo, ikaw ang nagtulak sakin para mas mapabuti

    Ang buhay ko’t landas, ikaw ang dahilan kung bakit pinagbubuti ko lahat.

    Kaya salamat, Oo, salamat. Dahil sayo nakukuha kong umangat

    Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsisikap maabot ang aking mga pangarap

    Na para kahit papaano ay may maipagmalaki sayo kasi



    Natatawa ako sa sarili ko, dahil hanggang ngayon ay naghihintay pa din ako sayo

    Ganito siguro talaga pag mahal mo

    Naghihintay kahit hindi sigurado

    Naghihintay na may magbago

    Naghihintay ako sayo
     
  2. Wow galing! Keep it up.
     
  3. G Flum

    G Flum PHC Master Established

    Pwede kana pamalit kay Marcelo Santos boss :hilarious: nice
     
  4. Ay, salamat po. :)

    Ay, di naman po haha salamat po.
     
  5. lmj09

    lmj09 Forum Veteran Established

  6. Salamat po. :)
     
  7. Wakokek

    Wakokek Addict Established

Tags / Keywords: