1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Payo sa Kabataan: Huwag Magmadali sa Pag-relasyon

Discussion in 'Off-Topic' started by Jeanh, Jan 28, 2016.

  1. Payo sa Kabataan: Huwag Magmadali sa Pag-relasyon

    Sa ngayon, maraming kabataan ang maagang nagkakaroon ng relasyon. Minsan, high school pa lang ay may relasyon na. Dahil dito, maraming buhay at pangarap ang nasisira.

    Ayon sa survey, 30% ng batang babae edad 13 ay nakikipagtalik na. Ang Pilipinas din ang nangungunang bansa sa Asia sa may pinaka-maraming buntis na teenagers (teenage pregnancy).
    Sa mga kabataan, heto ang aking payo:

    1. Huwag magpapadala sa mga tukso ng kaibigan na kailangan mo nang magkaroon ng relasyon. Unahin muna ang pag-aaral bago ang panandaliang sarap.
    2. Huwag muna pumasok sa isang relasyon lalo na kung wala ka pang 20 years old. Baka magkamali ka sa iyong desisyon at masira ang iyong pangarap.
    3. Tapusin mo muna ang iyong pag-aaral bago ka pumasok sa isang relasyon. Ito lang ang hiling ng magulang mo sa iyo.
    4. Kung "true love" ang hanap mo, kadalasan makikita mo ito kapag ika'y edad 25-35 o nasa tamang pag-iisip na.
    5. Tandaan: Walang mawawala sa iyo sa pagiging single at paghihintay sa iyong "true love." Pero maraming mawawala sa iyo kung sasagutin mo agad kung sino lang na lumigaw sa iyo.

    Ang puppy love o teenage love ay bihirang umabot sa “forever.” Madalas ay nag-aaway at naghihiwalay din dahil bata pa ang pag-iisip.
    Sa katunayan, mas malaki ang tsansa mong matagpuan ang iyong “true love” kung may prinsipyo ka at may pananalig sa Diyos.

    Ipagdasal mo na matagpuan mo ang iyong “soul mate”. Hayaan mo na ang Diyos ang gumabay sa iyo sa pagpili ng tamang partner. Isang taong may takot sa Diyos, at may respeto sa iyong pagkababae.
    Isang taong handa kang mahalin at pakasalan, mula ngayon hanggang sa “forever.”
     
    bladesofsins, jjarongay and zegen like this.
  2. taroroytaroroy hindi kana bata tumatanda kana kelangan mo na ng relasyon
     
  3. ilang taon ka na ba zegen?
     
  4. 23 di lang halata :LOL:
     
  5. mukha kang 13 :woot:
     
  6. black_hulk

    black_hulk Addict Established

    salamat po. kabataan kase ngayon masyadong mapupusok.
     
  7. wag ka mag alala demonic098demonic098 magkakarelasyon din ako
     
  8. Nice...thanks for sharing (y)... "Huwag magmadali at baka madapa, sa sobrang sakit mahirap ang bumangon" :LOL:
     
    jjarongay likes this.
  9. Tama haha sa panahon ngayon maagang nagkakapamilya ang mga teens like me haha.
     
  10. yama

    yama Enthusiast Established

    Hi TS ... parang ganito ang ibig kong sabihin doon sa post ko kanina sa thread "MAHAL MO O MAHAL AKO" na pinansin mo kanina..lol:ROFLMAO::ROFLMAO:..
     
  11. ay oo nga noh ang galeng
     
  12. EARZE

    EARZE PHC Contributor Established

  13. hahaha..dameng reaksyon :LOL::LOL:
     
  14. hindi totoo yan EARZEEARZE..tumatanda na kasi yung ts kaya pinost niya yan :hilarious:
     
    demonic098 likes this.
  15. kayo na ni xelos :jawdrop:
     
  16. XelosXelos bastos kang bata ka
     
  17. bingo hahaha :hilarious:
     
  18. EARZE

    EARZE PHC Contributor Established

    ganun ba.. :hilarious:
     
Tags / Keywords: