1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Payo po please: Pano makikipag deal sa pasaway na kagrupo

Discussion in 'General Chat' started by fazz12, Mar 28, 2015.

  1. fazz12

    fazz12 Addict Established

    sorry po kung hindi ko alam kung ito ang tamang section para ipost ito. kailangan ko po kasi ng opinion nyo mga sir at mam.
    isa po akong com sci student na "mejo" malapit nang makatapos. hindi naman ako yung acting leader sa group namin sa thesis pero nasakin yung initiative ngayon para makatapos kami.
    hindi sa nanunumbat pero buong system ako gumawa, tapos sa docu ako yung halos tumapos sa most part, nagpatulong na nga lang ako sa gf ko para matapos lang yon. yung dalawang kamembers ko, pinapapunta punta ko na lang sa school pag may kailangan ako ipakausap sa kanila, nakikipagkita kung kailangan may pag usapan kami, hinihingian ko ng ambag nila kung may gastusan. yun na lang ang role nila. tatlo kami sa grupo, girl yung isa pero yun laging nagcocooperate at sumusunod sa mga pinapagawa ko, pero itong isang girl sobrang pasaway, sya ang problema ko. ito ang mga problema ko sa kanya:

    - pag may meeting kami laging late. laging dinadahilan mga personal matters sa bahay like utusan sya ng lola nya, etc.
    - since nagwork sya muna while ako nagpursigeng tapusin muna yung thesis, ako ang may free time tapos sya hindi nya mamanage yung time nya between work and commitment sa thesis namin as kagroup.
    - kapag silang dalawa pinapakilos ko para magkita sa school nung isang girl while ako ginagawa yung docu sa bahay, madalas late sya or hindi nagpupunta at all, pangunahing reason is yung work nya.
    - yung sa survey and data tabulation na dapat gawin lang nila for 2-3 days, dahil sa kawalan ng priority nya umabot halos ng 3 weeks.

    ang akin kasi yung thesis namin pag kailangan namin pumunta sya lagi nyang sinasangkalang idahilan yung busy sya sa work. diba dapat pag personal na issue iseset aside hindi dapat hinahalo sa academic / professional matters?

    ngayon patapos na kami, since nakagastos na din naman sya at kahit papano, nagpupunta minsan pag pinapakilos ko sila, syempre kinconsider ko din instead na ilaglag. binigyan ko sya ng deal. hindi na nya kailangang magpunta punta pa ulit para makapagkita samin sa paprint at bind ng documentation, wala na syang kailangang gawin. para maging fair na lang samin nung isa pang kagrupo ko, sasagutin nya ang 7/10 na gastos ng mga susunod na gastusin hanggang sa makatapos kami. hindi pa sya sumasagot sa message ko as of now. please give me your opinion about this. harsh pa ba yung ginawa kong deal sa kanya? ano po kaya sa tingin nyo ang dapat kong gawin? dapat ba ileft out despite sa mga past expenses and some efforts nya? thank you po sa sasagot.
     
  2. if kaya namn niyang ibigay yun 70 percent na gastos cguro patas lang sa inyo pwera na lang if malaki yun. kung hindi siya papayag noon pwede rin nman 50 sa kanya 25:25 sa inyong dalawa if okay lang din sa iyo.

    thesis kasi iyan. mahirap na desisyon if ilaglag yun kasama niyo if malapit na kayo. may future din nman siya pero if hindi pa siya magbabago cguro darating ang panahon baka magka problema siya sa ugali niyang ganyan. (ayaw ko rin kasi mag judge agad di ko nman alam ang panig niya, :D)

    pero ang mas mabuti mag-usap2x kayo, yun masinsinan tutal nasa isang grupo nman kayo.. good luck na lang!!
     
    fazz12 likes this.
  3. tama lang yung ginawa mo bro. hindi naman pwedeng ikaw lang ang naghihirap sa grupo nyo.dapat tulong tulong. kaya kung wala naman siya msyadong naitulong sa thesis nyo. tama lang na bumawi na sya sa mga expenses nyo dapat sagot na nga nya lahat e para fair :D. ikaw yung naghirap sya yung gumastos :ROFLMAO:
     
    fazz12 likes this.
  4. may alam kasi ako na nangyari sa college school ko.. nag sumbong sa ina bakit daw malaki ang budget nang thesis nila tsaka nagpunta pa sa department nila. nakakahiya yun!! kawawa yun nag lead nang thesis nila.

    usap2x kayo nang masinsinan if hindi siya papayag sa request mo.
     
    fazz12 and Ms. Mae like this.
  5. Mister M

    Mister M PHC Master Established

    mag usap muna kayo po mahirap yan pag thesis kasi kaylangan na magtolong para maging success ang isang thesis.
    dahil na tagalan mo naman hanggang ngayon na hindi mo parin nilalaglag ang kasama mo panindigan mo nalang na kasama parin siya sa group niyo. hayaan mo nalang siya sa darating na panahon mapagtanto rin niya na mali ang nagawa niya na sana kong tomolong siya madaming matotonan niya. hehe goodluck!
     
    fazz12 and nadz118 like this.
  6. fazz12

    fazz12 Addict Established

    -grabe naman yan boss kung ako leader nun at ganyan ginawa sakin tuluyan ko na nilaglag yung pasaway na yun wala na ko paki kung magalit parent nya.

    salamat po sa mga payo nyo. mabuti naman po mejo madami nakarelate talaga palang common yung gantong scenario ano? ayun nga po nakumpronta ko na sya pinag usapan namin nang masinsinan. umaangal pa nga sa una nanunumbat pa meron naman daw sya nagawa sa formatting ng docu, surveys etc., pero sa huli napag kasunduan namin 60% dun sa pasaway kong kagroup, 25% dun sa kagroup kong cooperative, at 15% naman sakin. whew di ko man nakuha yung 70% na gusto ko iambag nya at least hindi na malaki kaylangan kong gastusin. salamat po sa mga payo at opinyon nyo. good day.
     
    Last edited: Mar 29, 2015
  7. ganyan talaga may mga taong iba ang ugali... yun leader na lang nang grupo ang nagtiis eh. kakahiya president pa nman yun leader nila sa school namin.. hindi nman mahirap kung tingnan yun nagreklamo eh.

    basta grupo talaga dapat mag usap2x para walang sisihan sa huli.

    mabuti na solusyunan mo. good luck na lang sa defend niyo.. :D
     
    fazz12 likes this.
  8. Mister M

    Mister M PHC Master Established

    nice naman basta goodluck nalang sana maging success kayo!
     
    fazz12 likes this.
  9. fazz12

    fazz12 Addict Established

    thank you po. :):)(y)(y)
     
  10. Mister M

    Mister M PHC Master Established

    welcome
     
Tags / Keywords: