1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia PALO MARIA

Discussion in 'Lifestyle & Healthy Living' started by Jeanh, Apr 20, 2016.

  1. [​IMG]
    PALO MARIA

    KAALAMAN TUNGKOL SA PALO MARIA BILANG HALAMANG GAMOT
    Scientific name: Calophyllum inophyllum Linn.; Calophyllum bintagor Roxb.
    Common name: Palo maria, Dangkalan (Tagalog); Sweet-scented calophyllum, Alexandrian laurel (Ingles)

    Ang palo maria ay isang puno na may katamtamang taas na kilala dahil sa maputi at mahalimuyak nitong bulaklak. Ang mga dahon ay makapal, makinis at palapad. Mayroon din itong bunga na manilaw-nilaw ay bilugan. Karaniwang makikita ang halaman na nakatanim sa mga parke at gilid ng kalsada sa Metro Manila, at madali ring makita sa iba pang bahagi ng Pilipinas malapit sa mga dalampasigan.
    ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA PALO MARIA?
    Ang iba’t ibang bahagi ng palo maria ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
    Ang mga bunga ay makukuhanan ng langis na kung tawagin ay bitaog oil
    Ang balat ng kahoy ay makukuhanan ng tannin at oleoresin. Mayroon ding benzoic acid.
    ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
    Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
    Bunga. Ang bunga ng halaman ay kadalasang dinidikdik at pinang tatapal sa ilang bahagi ng katawan na dumaranas ng karmdaman.
    Dahon. Karaniwan naman nilalaga ang dahon para magamit sa panggagamot. Maaari din itong dikdikin upang ipantapal sa ilang kondisyon.
    Balat ng kahoy. Ang langis na nakukuha sa balat ng kahoy ay maaaring gamitin bilang balsamo na panlunas sa ilang karamdaman.
    ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG PALO MARIA?
    1. Kabag. Ang pananakit ng sikmura dahil sa kabag ay matutulungan ng pagpapahid ng dinikdik na bunga ng palo maria sa nananakit na tiyan.
    2. Implamasyon sa mata. Matutulungan ang kondisyon sa mata sa pamamagitan ng pagpapatak ng pinaglagaan ng dahon ng palo maria sa apektadong mata.
    3. Sugat. Mabisang pampahid sa sugat ang langis na makukuha sa balat ng kahoy upang mapabilis ang paghilom at maiwasan ang impeksyon.
    4. Rayuma. Ang pananakit sa mga kasukasuan ay maiibsan din sa tulong ng balsamo na mula sa langis na nakuha sa balat ng kahoy ng puno. Maaari ding ilagay sa nananakit na kasukasuan ang dinikdik na buna ng halaman.
    5. Almoranas. Ang dinikdik na dahon ay mabisa ring panlunas sa almoranas.
    6. Impatso. Ang pananakit ng tiyan dahil sa impatso ay matutulunga din ng pagpapahid ng dinikdik na bunga ng halaman sa bahaging nanakit.


     
Tags / Keywords: