1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Padlock (Liham ng isang maybahay) by Asmodeus

Discussion in 'Gags & Jokes' started by rionesenobi, Dec 1, 2015.

  1. Please or Register to view links
    May nais po sana akong itanong. Baka po matulungan nyo ako. Ang weird po kasi nitong bahay ko. Nitong mga nagdaang mga araw kasi, lagi ko ipina padlock ang gate bago ako umalis gaya ng nakaugalian ko. Kahit pag nasa bahay ako, ipinapad lock ko pa rin. Tapos nitong nakaraang dalawang linggo, medyo naging busy ako sa tindahan at madalas gabing gabi na ako nakakauwi. Tuwing uuwi ako naaabutan ko yung padlock na di naka lock at nakasabit lang. Noong una di ko pinansin. Naisip ko na baka naman nakalimutan ko lang. Pero ganon pa rin ang nangyari kinabukasan. At ang kwarto ko na madalas kong isara ang pinto pag nalabas ako gaya din ng nakaugalian ko, nakabukas. Pero di pa rin ako nagduda. Baka kasi kako nakalimutan ko na naman. Hanggang sa ikatlong araw.. gaya ng ikinakatakot ko, naabutan ko na namang di nakalock ang padlock. Dun ko na napagtanto na may nangyayari na palang kababalaghan sa aking bahay. Pero di ko isinasa isang tabi ang posibilidad na may nakakaalam na ng number combination ng padlock ko. or baka malilimutin na lang din talaga ako sa dami ng iniisip. So napagpasyahan kong kunan ng pic ang padlock bago ako umalis. Pagkauwi ko, naabutan ko na namang bukas ang padlock. Di ko na alam ang gagawin ko. Di ako mapalagay sa kakaisip. Kanina umalis ako ng maaga para pumunta sa community hall dahil open na ang comelec para sa registration ng mga botante. Wala talaga akong balak sanang bumoto eh. Pero sayang yung id. Gaano po ba katagal bago makuha yung voter's id? Saan ko po ba ito maaaring makuha? Marami pong salamat.
     
Tags / Keywords: