1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Pabor ka bang irehistro ang iyong prepaid SIM card?

Discussion in 'Polls & Survey' started by Edzel maglasang, Nov 6, 2013.

  1. Muling isinusulong sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na mag-oobliga sa mga telecommunication companies na irehistro ang pangalan ng mga taong bibili ng kanilang prepaid SIM cards o Subscriber Identity Module (SIM) card.

    Sa pamamagitan ng pagrerehistro sa pangalan ng mga bibili ng prepaid SIM card, naniniwala si Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, na mababawasan kung hindi man tuluyang matitigil ang mga iligal na gawain gamit ang mga cellular phones.

    Paliwanag ng kongresista, lalo pang dumadami ang mga hindi kaiga-igayang gawain gamit ang mga cell phone dahil sa dami ng mga prepaid SIM card na madaling mabili sa kung saan-saan.

    “We hear countless victims of text scams, ransom demand thru untraceable mobile numbers and mobile phones become Please or Register to view links that kill hapless civilians in our midst,” paliwanag ni Gatchalian sa isang pahayag nitong Martes.

    Giit ng mambabatas, panahon na para tularan ng pamahalaan ang ginawang hakbang ng Singapore, Malaysia, Indonesia, Brunei at iba pang mga bansa na naging mahigpit sa regulasyon pagdating sa paggamit ng cell phone.

    Sa ilalim ng panukalang batas ni Gatchalian, inaatasan nito ang mga telecommunication company na hingan ng kaukulang identification cards (IDs) -- gaya ng government-issued IDs o company IDs -- ang taong bibili ng prepaid SIM cards para makuha ang tunay na pangalan at address nito.

    Ang mga impormasyon na makukuha sa bumili, pati na ang duplicate copy ng resibo ay ipadadala naman ng telcos sa National Telecommunications Company (NTC) para sa kaukulang pagrerekord ng mga impormasyon.

    Sinabi ng kongresista na ituturing confidential ang mga impormasyon na makukuha sa SIM card registration. Maaari lamang makuha ang mga kailangan impormasyon tungkol dito sa pamamagitan ng utos ng korte at kahilingan ng government law enforcement agency.

    Magagawa lamang ito kung lilitaw na may batayan na nasangkot sa isang krimen, ginamit o gagamitin sa krimen ang naturang numero ng SIM card.

    Sakaling maaprubahan, ang mga kasalukuyan at ginagamit na prepaid SIM card ay kailangan ding iparehistro sa kaukulang telcos pagkaraan ng tatlong buwan matapos itong maisabatas.

    Kapag hindi ito ginawa ng subscriber, kailangan suspindihin o putulin ng telcos ang linya ng naturang numero at maaari lamang ibalik kapag sumunod sa itinatakda ng batas ang taong gumagamit nito.

    Ang telecommunications companies naman na mapapatunayang hindi sumusunod sa batas ay pagmumultahin ng P300,000 sa unang paglabag; P500,000 sa ikalawang paglabag, at P1 milyon sa ikatlo at sa mga susunod pang paglabag. -- RP/FRJ, GMA News



    MGA ka PH. mukhang mahuhuli tayo dito.!!

    sana hindi ito matutuloy.
     
    nhalyn and francisco619 like this.
  2. kaya nga. sana hindi ito ma aprobahan
     
  3. Free internet tricks lang ata dito ? hehe :LOL:
     
  4. sorry po. :) haha bago2x lng din kc ako nakagawa ng thread
     
  5. hehe, baka pwedi naman :)
     
  6. Causing Glenn

    Causing Glenn daemonX Staff Member Moderator

    _hahah
    .dito nalang yan, moved :D
     
  7. Master Chief

    Master Chief Enthusiast Established

    Dapat lang.
    Para madalimg malaman kung sino ang gumagawa ng krimen at madaling mate trace ang location ng mga Kriminal.

    NO EXEMPTION. Dapat pati militar at mga Pulitiko kasali.
     
    Who Cares and xSilent like this.
  8. pero patay. tayov
    tnx po. hehehe. newbie pa kc sa pag gawa ng thread. :D
     
  9. useless din yan, although oo nga mababawasan ang insidente ng scam, bomb explosion, pero what if manakaw phone mo? at gamitin eto sa ïllêgâl activities? pano kung di agad nadeactivate ito? :chin:
     
    Last edited: Nov 11, 2013
    Mark776, Clrkz and xSilent like this.
  10. puu nga no? useless din to. mas magiging masaya ang mga masasamang tao kung ma aprobahan to kasi mas malaki ang chance nilang gumawa ng ïllêgâl
     
Tags / Keywords: