1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Paano magpapansin na hindi halata kay Crush

Discussion in 'Love' started by sweetypie008, Mar 21, 2016.

  1. sweetypie008

    sweetypie008 Addict Established

    Paano ba magpapansin na hindi halatang nagpapapansin?
    [​IMG]
    Ngunit may mga benefits din naman ang pagpapahalata. Ito ang ilan sa mga bagay na maaari mong sundin:

    Kung ikaw ay lalake:

    1. Titigan mo siya nang matagal. Pag napansin niyang tinititigan mo siya, sabihin mo: “bakit mo ‘ko tinititigan? Crush mo 'ko no?”

    2. Kung kaklase mo siya: tabihan mo siya palagi. Pag last day na ng klase sabihan mo ng: “pwede ba sa iba ka naman tumabi? ako na lang parati.”

    3. Abutan mo ng post-its. sa first page, sulatan mo ng “in case gusto mong magpapansin sa akin.”

    4. Magjoke ka. Pag tumawa siya, bigla mong sabihin: seryoso ako.

    5. Batiin mo ang suot niya: “Uy nice dress. Ukay?”

    6. Magsuot ka lagi ng orange na may malaking “P.” Tiyak mapapansin ka nun.

    7. Habang nagkakatuwaan sa inuman, say something profound like: “you know, love is a myth. A myth everyone believed so hard in it became real.” Tapos bigla kang tumawa, sabihin mo lasing ka lang.

    8. Magheadbang ka kahit walang iPod. Sabihin mo: “my iPod is an implant. cool no? want one?”

    9. Bigla mo siyang halikan. Tapos pag sinampal ka, sabihin mo: “sorry, napagkamalan kitang 'the one’ ko.”

    10. Pagawa ka ng calling card. Sa ilalim ng pangalan mo, lagay mo “Filmmaker.” Tapos iabot mo sa kanya, sabihin mo naghahanap ka ng artista. Pangitiin mo parang audition: “Patingin nga ng ngiti mo?” Pagkasmile niya, bawiin mo ang calling card sabay sabi ng: “Sorry, hindi ka pala bagay mag-artista. Pero gusto mong magkape?”

    Kung babae ka:

    1. Hanap ka ng kabarkadang babae. Tapos magbulungan kayo habang tinuturo mo siya. Sabay bungisngis. Pag ngiti niya, sumimangot kayo bigla sabay alis.

    2. Pag tumabi siya sa'yo, batiin mo ang pabango niya: “Bagong laba? Downy?”

    3. Mag-abot ka ng post-it sa ibang kaklase mo pero sa kanya mo ipa-pasa.

    4. Pag nagjoke siya, hiritan mo ng: “so feeling mo nakakatawa ka?”

    5. Batiin mo ang suot niya: “Uso na pala ulit ang 60’s?”

    6. Magsuot ka ng pekpek shorts.

    7. Sa inuman, huwag kang magsasalita. Dapat brooding ka lang at pa-mysterious. Tapos bigla kang magpatulo ng luha sa kaliwang mata. Lalapitan ka nun, tiyak. Pag tinanong niya, “are you okay?” Ngumiti ka sabay sabi ng: “I am now.”

    8. Patugtog ka ng malakas sa celfone, iPod, or laptop mo ng “Suddenly” ni Olivia Newton-John.

    9. Habang nakatambay siya, bigla mong tabihan tapos kwentuhan mo ng pinakagusto mong uri ng kiss. Describe mo in detail. Sabay biglang alis.

    10. Lapitan mo. Hiritan mo ng: “Masyadong mabagal ang utak mo para mag-isip ng pick-up line. Tara na, magkape tayo.”

    Ang mga bagay na nakalista sa itaas ay mga tried and tested na paraan. Ngunit sa huli, ang pinakamaainam pa rin na paraan para mapansin ay maging mahusay sa kung anuman ang iyong ginagawa at magpakatototoo sa iyong sarili.

    Humayo ka at magparami
    Hahaha:p:eek::hilarious:
     
    finding nemo likes this.
  2. borugs

    borugs Eternal Poster Established

    nyahaha napatawa mo ko ah thanks try ko kung working yan
     
    sweetypie008 likes this.
  3. sweetypie008

    sweetypie008 Addict Established


    HAHAHA good luck :ROFLMAO:
     
  4. gusto ko ung love is a myth.haha
     
    sweetypie008 likes this.
  5. sweetypie008

    sweetypie008 Addict Established

    Hahaha...

    Ako gusto ung downy haha:LOL:
     
  6. bakit dun ka ba nadali sa BF mo maam?haha
     
    sweetypie008 likes this.
  7. sweetypie008

    sweetypie008 Addict Established

    Hindi eh... ako yung dumali hahaha joke..
    :woot:
     
    finding nemo likes this.
  8. ouch...nxt maam na thread mo. panu pumikot ng lalake.hahaha
     
  9. sinabihan tuloy ako ng manyak yung ginaya ko yung step 9 ng lalake. pero worth it at least na kiss ko siya sa lips
    at sinabihan ko na malakas na mahal kita...ang daming kaklase naka tingin sa amin at halatang namumula yung muka niya...booom ang daming sumigaw na "ayieeeeeeee nc one pre" isa akong tunay na hokage woooh...astig ng step 9

    alamat ng hokage
     
Tags / Keywords: